Ama
Para sa isang lalaki na laging nand'yan tabi mo Isang lalaki na mala-estranghero Lalaking magsa-sakripis'yo para sa'yo At higit sa lahat siya ang taga-protekta mo. Siya 'yong lalaking handang gawin ang lahat para sa ikakabuti mo Handang isakripis'yo ang kan'yang buhay para sa kapakanan mo Handang harapin ang mga pagsubok sa buhay At iingatan ka niya habang buhay. Siya 'yong lalaking hindi iindahin ang pagod at puyat galing sa trabaho Kahit nahihirapan, 'di pa rin sumusuko. Siya nga pala ang AMA na sinasabi ko Ang ama na tumatayo bilang haligi ng tahanan Tahanan na ating ginagalawan. Patawad nga pala ama sa kasalanang aking nagawa Patawad dahil minsan sinasagot ko kayo Minsan ang sama-sama ko sa inyo Pero hindi pa rin kayo sumusuko At nanatili pa ring nakatayo para kami ay gabayan niyo. Salamat ama dahil sa inyo natuto akong tumayo sa sariling mga paa Salamat ama sa walang sawang pagsuporta Salamat sa walang pigil na paggabay sa'min Salamat at kayo'y nanatili sa piling namin. Hindi ka man tunay na isang superhero Pero para sa akin ikaw ang dabest tatay ko Halos buong lakas iyong ibinibigay Para lamang kami ay mabigyan mo ng magandang buhay. Kaya't AMA... Magsisikap ako para naman masuklian ko ang paghihirap niyo Sisikapin ko na makapagtapos ako At makahanap ng magandang trabaho Para sa pagdating ng araw Kayo naman ang pagsisilbihan ko Hayaan mo ama na ako naman ang papalit sa inyo. At balang araw ama makakamit ko rin ang tagumpay Ang tagumpay na nagbubunga ng inyong paghihirap ni inay. Kaya AMA salamat sa lahat ng iyong ginawa.. At salamat dahil napakabuti mong tao..
No comments yet