read.cash Log in
c@christoper

Mahirap

MARIHAP MAGING MAHIRAP👈 Sa estado ng buhay Maswerte ka kung NASA itaas ka... Mahirap nmn kpag NASA ibaba ka... Mahirap maging mahirap ... gigising sa umaga Makakain ndi alam kung saan kukuha.... Kumakalam ang sikmura Kumukulo at sabi ay gutom na ... tagpi tagping bahay ay lilisanin Upang makahanap ng makakain... Khit madumi ayy papatusin Upang gutom ay pawiin... Mangangalakal ng basura Para maibinta.. Upang pag uwi s pamilya... May kunting pag kaing dala.... Masayang pag sasaluhan nah.... kung minsan ayy wala Walng makain Kaya gutom ay kilangang tiisin.... Matutulog na ang tiyan ayy gutom at ndi busog... Ang tuhod ay kumakalog... Mahirap maging mahirap Kapos sa kabuhayan Kapos s pinag aralan Kaya trabahoy walang mapasukan... Merong kasabihan Na ndi hadlang ang khirapan.. Sa pangarap upang mapag tagumpayan..... Pero mas inuuna nlng ang pumunta s basurahan.. Upang kumuha ng mapapakinabangan At dalahin s bintahan... Upang gutom khit kunti ay maibsan.. Kesa pumunta s eskwelahan... Mas uunahin ang kumakalam n tyan ... Kesa s bagong aral n matututunan..... Sapagkat s pamumuhay ay malaki ang kakulangan... Kaya maswerte ka kung ndi mo yan naranasan.... Mahirap LNG kami.. Salitang ndi ko ikakahiya s marami... Handang mag sakripisyo Upang maiba nmn ang estado... Para ang pamilya ko... Ay maiahon s khirapang ito..... Mugtong-mugto na ang mga mata ko Yung tipong hirap na hirap na kong idilat pa ito Magdamag akong umiiyak Ngunit parang walang balak humupa ang sakit na nadarama ko ngayon. Tanging ingay ng orasan lang ang naririnig ko sa buong kwarto Pero para itong duyan na marahan akong iniuugoy pabalik sa ating nakaraan Ibinabalik ako nito sa kwento kung pano tayo nagsimula Gaya ng iba..nag umpisa tayo sa pagka kaibigan Hanggang sa tayo na ang nagkatuluyan. Sobrang saya ko kase ikaw yung naging asawa ko. Kase ikaw yung kasama kong tatanda Ikaw yung kasama kong bubuo ng pamilya Sobrang saya natin noon Yung kahit na may mga problema Nagagawa pa ren nating tumawa At hanggang sa nagka roon tayo ng pagsubok. Sa di malamang dahilan Nagkaron ka ng...malalang karamdaman Ngunit huli na nang ating malaman Kitang kita ko sa mga mata mo ang kagustuhang mabuhay at lumaban Kahit na alam kong hirap na hirap kana Nakukuha mo paring ngumiti at tumawa Pinanghihinaan na rin ako ng loob Ngunit nagpapakatatag ako para sayo.para satin,ginoo ko Hanggang sa hinang hina kana talaga Mababakas na ang sakit at hirap sa mukha mo Na kahit hindi ka dumaing o magsabi Nararamdaman ko Alam kong pilit kang lumalaban Ngunit katawang lupa mo na ang sobrang nahihirapan Masakit pero kelangan Labag sa loob ko pero kelangan na kitang bitawan 'Mahal kung pagod kana,maari ka ng magpahinga' sambit nang utak ko Na nais iparating ng aking puso 'Mahal kita' huling kataga mo bago ka malagutan ng hininga... Humigpit ang kapit ng aking kamay sayo at sa sunod sunod na pagpatak nitong luha Ay sya namang pagpikit ng iyong mga mata. 5 buwan tayo nagsama At bumuo ng munting alaala Akala ko iniwan mo kong mag isa Ngunit muki akong nabuhayan ng pag asa Mahal salamat sa magandang alaala na na iyong iniwan Nag iwan ka ng panibagong buhay sa king sinapupunan Nawala ka man,nag iwan ka naman ng anghel na nagpapa alalang hindi mo ko iniwang mag isa Miss na miss kita Pangako aalagaan ko ang anghel nating dalawa " In sickness and in health,til death do us part " natupad natin ang ating sinumpaan.. Asawa ko,mahal kita hanggang kamatayan. Masaya na kung mag-isa. Tapos ngayon babalik-balik ka pa. Ano, magsisimula na naman ba tayo sa una? Tama na, masakit na. Masakit na yung ginawa mo sakin. Masakit na yung mga luhang resulta ng pag-iibigan natin. Kaya tama na, nilalandi mo lang naman ako kapag bored ka. Nilalandi mo lang din naman ako kapag may kailangan ka. Pero pagtapos na, hindi mo na ako pinapansin na parang hangin. Namulat na ako. Mga mahal kita na sinasabi mo sakin ngayon ay nakakatuwa. Para kang asong ulol na nagmamakaawa. Kaya huwag mo na akong gawing tanga. Dahil ako'y nagbago na. Hindi na ito ang dating ako na naghahabol sayo. Ito na ang bagong ako na kayang maging masaya kahit wala ka sa piling ko. Mga convo natin noon, delete na ngayon. Nakapagmove-on na ako at handa ng isampal sayo ang sinayang mo. Ngayon lang ako nagising, Na hindi lang pala puro ikaw ang umiikot sa mundo ko. Kundi meron pang ibang mga tao katulad ng aking pamilya na minamahal ako ng totoo. Kaya ko pala. Kaya ko pala maging masaya kahit wala ka. Kaya ko pala maging masaya kahit na nag-iisa. Dedicated to sa mga taong nakamove-on na.💚

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.