Taong mahal mo
Kung ang pipiliin mo ay yung taong mas mahal niya ang Diyos kaysa sa'yo Yung uunahin niya ang paglilingkod Kaysa sa'yo Yung mas mahalaga ang kahalalan niya Kaysa sa'yo Yung taong may malasakit sa tungkulin mo Yung hihikayatin ka sa kasiglahan Hindi nababakbak ang pananampalataya Hindi siya natitinag Yung kahit anong mangyari Mawala man ang lahat lahat sa kaniya Huwag lang ang pag-ibig ng Diyos sa buhay niya Yun ang masasabi mong kaloob sa'yo Yung pinakamagandang regalo Na hindi kayang pantayan ng kahit na ano Kahit naghintay ka man ng matagal Pero sigurado ang pinili mo Kaya pumanatag ka Dahil sa pinakaangkop na panahon At pinakaakmang pagpapasya Ipinagkaloob ang tamang tao para sa'yo Yung itinakda para makasama mo Ang kapalarang pinili ng Diyos para sa'yo Ang sagot sa mga panata mo🙏
No comments yet