Ikukuwento ko sa Inyo iyung araw na namasko mga anak ng pinsan ko sa amin..ππ.. May ante Ako na may limang anak at tatlo sa kanila ay may mga pamilya na na nakatira lahat sila sa iisang Bahay.. Bale iyung mga anak Ng tatlong pinsan ko na iyon ay nangaroling sa aming Bahay.. Binigyan Naman na sila Ng Tig iisang supot na chocolate at Sabi ko Kay mama ay Tama na iyon ngunit matigas Ang ulo ni mama pero sa bandang huli ay naguluhan siya sa mga bata(makukulit at medyo salabahe iyung ibaππ) kaya inabutan na lang niya Ng sampung Piso..inabot niya sa Isa sa mga bata sil; Kay Kiel (sa inaanak ko sa pinsan Ang inabutan niya dahil iyun lang daw Ang medyo magalang at Hindi salbahe)iyung sampu(Isang buong Lima at limang tigpipiso) lima sila kaya tigdalawang piso na lang sila..πππ.. kaso Ang pagbibigay ni mama Ng Pera ay nagdulot Ng riot sa mga bataππ... Inagaw Ng Isang bata Kay Kiel iyung inabot na sampu at kinuha nun iyung buong Lima at binigyan lang niya Tig Piso Ang iba na nagdulot Ng pagrereklamo at dahil si Kiel Ang Nakita nilang inabutan ni mama Ng Pera kaya siya Ang napuruhan Ng iba sa pagrereklamo at naakusahang kinurakot Ang Pera ππππ... Ang ending, pinagalitan ko si mama dahil siya Ang punot dulo Ng kaguluhan dahil sa pagbibigay niya Ng sampung Piso..at dahil nabadtrip si mama sa aking sermon; noong kinabukasan na nangaroling ulit sila ay super grumpying patawad na Ang pinagkaloob niya sa kanyang mga apo sa aking mga pinsan . ππππIbang-iba na talaga generation at paguugali Ng karamihan sa mga bata Ngayon...ππ
2 comments
Nagdulot pa tuloy ng away ang sampung piso sis hehe
Kaya ngaππ