gising gising na
bangon na at ng makapagluto baka malate mga anak natin at asawa. ang sarap pa sanang matulog eh. daming ganap kahapon birthday ni tiya ko kapatid ni mama siya ang panganay nila. nilutoan ko siya ng pichi2x, simpleng salo-salo ng pamilya 83 years old na siya.
morning
kamusta mga kaingay nahatod niyo na ba ang mga estudyante ninyo? tamang laro lang muna pampagood vibes na rin habang naghihintay ng mga customer di ba para hindi mabored ang lola niyo. sana marami akong benta today para happy di ba😀
suki
nagsimula ng uminit dito samin mga kaingay. as usual andito na si suki at nakaubos na siya ng 1 zest-o ang kanin dalawang subo lang. kumain na rin ng gumberry mabenta ito sa mga estudyante kasi kinukulay nila sa lips nila kita niyo naman ang dila. i bunso kakulay na ng damit ko. mauubos talaga paninda ko rito pag 5 days ko siyang kasama rito😀
morning morning sunshine
hello noise.app people. kamusta ang Monday natin diyan? sa mga may estudyante tiyak hindi magkandaugaga kaninang umaga sa paghahanda ng breakfast at babaonin nila iba pa yung ihahatid pa sa school. grabeng multi-task ang gagawin diyan. ito na pala ang finished product ko na pichi-pichi kahapon di ko na napost kagabi kasi nakatulog ako ng maaga si bunso ang gumamit ng cp ko. umulan ng kunti kanina at ngayon ay medyo maganda na ang panahon may kunting init at hangin nabalanse na rin kaya hindi masyadong mainit. mamaya nito pag tuntong ng tanghali grabe na ang init. magbabantay muna ako ng tindahan kasi may pasok lahat ng mga estudyante ko si suki ko hindi pa dumating
PICHI-PICHI
afternoon noise.app family. andito na naman ako magluluto na naman ako ng pichi-pichi. thank God at nakabili ako dito saming lugar 30 pesos ang kilo. isasama ko ito para bukas sa sample kung may time pa ay magluluto ako ng cassava flan. ilaban natin ito para sa pamilya. gandang hapon ulit
HAPPY SUNDAY
have a blessed Sunday noise.app family. grabe napagod talaga ako kagabi kaya hindi na ako nakadaan. ito na nga pala ang finished product ko ang sapin-sapin at kutsinta. nasunog ang ginawa kong latik para sa sapin-sapin kaya ang ginawa ko ay yung sapal ng niyog ang ginamit nilagyan ko ng white sugar tapos tinosta hanggang sa maging color brown. sabi ni mama masarap kahit walang latik ang sapin-sapin. sana ay magustohan ito help me noise.app family sa pagdasal at pagcross finger🥰.
#goodmorning
#labanlang
afternoon
halu mga noise.app tapos na kayong magmeryenda? ako hindi pa kasi nabusog na ako eh hehehe. luto na ang 1st batch ng kutsinta yang 1st photo tatapusin ko lang tas isusunod ko na ang sapin2x. ito na yung sample para sa amo ng pinsan ko magbubukas kasi ng restaurant at pag nagustuhan niya ako na ang magsusupply ng mga kakanin kaya busy pa ako ngayon. balik ako later tatapusin ko muna ito
chicken adobo
let's eat guyz. kakarating ko lang galing ng merkado namili ng kakailanganin sa pagluluto ng aking kakanin. kain muna ako kasi gutom na gutom na talaga para mamaya straight na ang pagluluto ko. ano ulam ninyo guyz? grabe ang init-init na talaga ito na ang kapalit nung ilang araw na ulan. tara let's eat noise.app people
SIMPLE NACHOS
morning morning sa lahat. nakatulog ako ng maaga kagabi kaya hindi na ako nakapagtambay dito. ito ang isa sa 3 appetizer na pinagawa sa TLE ng anak ko. yung 2 hindi ko pa naishare ito pa ang una busog na naman kami kagabi lalo na at mga cheese lover pa ang whole family namin. maya-maya aalis naman ako para bumili ng sangkap sa kutsinta
KIDS PARADISE
kamusta kayo dito noise.app. wala sa plano nakalaro kami ngayon dito sa kids paradise. nagkita kami ni hubby kasi sasamahan ko siya sa Pag-ibig para magfile ng loan. ang ingay2x ni bunso pupunta daw siya sa Gaisano at magplay siya. kaya naman ang ama eh go agad ang ending andito kami ngayon for 1 hr. ang saya-saya ni bunso
maulan na naman
gandang araw noise.app kahit maulan go pa rin. ang tumal ng benta nandito pa si suki ko nagrequest ng pizza. kaya ayan nagpadeliver kami sa aming suki na pizza parlor wala pa din kasing kain ang batang ito masarap pa naman ulam niya tocino. 4 piraso nalang ang natira sa pizza ambilis kumain ng bata pag ganito favorite niya kasi eh. ano ba itong ulan pabalil-balik
lugi ang negosyo
nakow biglang umulan ng napakalakas patay ang benta ko nito malulunod hehehe. baka matulog nalang ako dito sa tindahan kasi inantok ako bigla dahil sa ulan. nanonood ako ng shopee love kaya lang eh baka mabudol na naman ako lalo na pag may magandang bag at mga damit ni bunso natetemp ako hehehe. may bagyo po ba? sino may alam diyan pashare naman ng info o.
tocino
morning morning. makulimlim ba sa inyo? dito samin parang kasi usually sa ganitong oras ay may araw na. by the way ito ang niluto kong ulam para sa breakfast ng nga estudyante ko pork tocino. ang mahal na ng kilo 297 na pahirapan na talaga ang.pagbabudget kawawa mga ulo ng mga momshies sasakit talaga pag kulang ang budget. ngayon nasa tindahan na ako kasi ang panganay ko ay magreready na rin pupunta siya ng school
morning
hello again noise.app friends. andito na ang aking suki tapos ko na siyang maligo kasi nagpopo siya eh. andiyan pa naman si panganay kasi pwde naman daw malate magaassessment lang naman sila wala silang exam sa midterm. nagbaon siya ng kaniyang cereal pupunta daw siya ng school hehehe
ANOTHER RAKET
cold morning noise.app family. malamig ba sa inyo? sus nakow dito samin ano bang nangyari ang lamig2x parang may yelo ang tubig, kawawa mga estudyante ko nanginginig habang naliligo alangan namang hindi sila maligo di ba.
ito nga pala ang bagong raket ko ngayon actually hindi na ako bago dito meron na ako nito noon kaya lang ay nalock ang FB ko kaya sumali ako uli. nagsimula ito last year pa hanggang ngayon still alive and kicking pa. may 2 account dito ung premium which 380 ang registration at regular 140 ang registration. dun lang ako sa regular muna kasi waley pa budget eh, mas maganda ito kesa nung dati mas madali rito maka.earn kung focus ka at may time kang lagi sa pagdotdot. message niyo ko kung gusto niyong sumali ha. bye for now
halu noise.app friends.
andito si bunso sa tindahan ngayon at yang nasa 2nd photo ay ang kanyang mga naubos pwera pa doong nasa basurahan na. ito ang makakapalugi sakin basta andito ito sa tindahan eh may pasok kasi ate niya kaya kami ang nagbabantay dito. pagkagising niya at wala ako maghahanap iyon at ihahatid siya ng lola niya. biglang kumulimlim ang kalangitan
asan na kayo?
morning morning. grabe late na ako nagising 6+ na ata yun buti nalang yung mga high school students ko lang ang pumasok kaya sila na nagsaing nagprepare ng baon nila. sabi ni panganay inalarm daw niya ang phone ng 4 at 4:20 wala naman akong narinig kaya late na din kami nakapag.open ng tindahan. asan na ang mga estudyante? parang nasa probinsiya pa ate usually mga 6:30 marami nang estudyante pero ngayon mangilan-ngilan lang pero laban pa rin.
#goodmorning
#labanlang
#maybentadintayo
dagdag ulam
naghahanda na ako ng dagdag ulam para sa hapunan may sabaw pang natira kaya ito nalang. malamig ba ang hangin diyan sa inyo? dito kasi samin eh 5 PM palang ang dilim na tas may hangin2x kunti ang lamig-lamig pa parang andiyan si Queenie or baka sa panahon lang talaga. pero iba talaga ang lamig niya. klase na bukas maaga na namang magigising at magtitinda na kami
SINABAWAN SA TANGHALIAN
mainit na araw na mga kaingay. ito nga pala ang ulam namin ngayon ribs ng baboy sinabawan ni mama ko para kay bunso kasi hindi na naman kumakain ng kanin. kung ano2x nalang ang pinapa-ulam ayaw talaga puro saging lang ang laman ng kaniyang tiyan. halikayo kain tayo at ng makahigop din kayo ng mainit na sabaw.
PAMPAGOOD VIBES
gandang morning in advance kaingay. ako ay nagising dahil need kong gisingin si hubby may pasok kasi siya ng 4 AM. wala naman siyang motor or bisikleta kaya commute to the max talaga siya, dati stay-in siya at tuwing linggo ang uwi may 5 siyang kasamahan na kasama kaya lang eh may mga tao talaga na maeepal or kung inggit ba ang tawag din dito.
back to the photo nakita ko lang ito sa aking FB habang ako ay nagscroll2x. natawa ako sa caption kasi ang nakalagay ay "Sobrang taas na ng bilihin" literal na mataas talaga kasi nasa taas siya ng pader nawala antok bigla kaya naisipan kong ishare din dito baka sakali eh matawa din kayo. natawa ba kayo?
#goodmonite
#labanlang
PRITONG SAGING
meryenda na tayo noise.app. uminit na dito samin kahit pa sabi nila ay may malakas na ulan daw na dadating mamaya dahil kay bagyong Queenie. mainit naman dito samin ngayon sana eh magtuloy-tuloy na. nagprito ako ng saging para meryenda namin tipid na sa pera pambili ng tinapay di ba
GOOD MORNITE PO
kamusta na po wala na pong bagyo? samin kahapon ay sumikat na kunti si haring araw. grabe hindi ako nakagamit ng phone whole day kahapon kasi ang sakit2x ng katawan ko natulog lang ako buong araw kahit kain ng kanin wala. tinapay at kape lang, naglugaw pa nga si mama ko para saming dalawa ni @robertryan. nung saturday okay-okay na siya kunti ako ang sumunod grabe yung alam niyo yung tatayo ka at lalakad natutumba ako walang lakas ang mga paa ko. ang sakit-sakit ng ulo parang mabibiyak tsaka yung balakang.
favorite ko pa naman yang ulam namin kagabi tilapia pero walang gana talaga eh, nagrequest lang ako ng tinapay at kape na naman. sa ngayon medyo ok na ako wala ng lagnat kunting sipon nalang at pananakit ng katawan. maraming salamat sa mga friends ko dito🥰
TIME CHECK: 2:14 AM
ang sarap ng matulog mga kaingay. hindi na kinaya ng powers ko yan ang position ko ngayon. 1st time in history na natulog akong nakapajama, naka jacket na makapal with hoodie pa yan at kumot. last kong gamit sa jacket na yan ay 3 years ago nung ako ay nagtatrabaho pa. at umabot na ng 39.8 degrees ang temp ko, juice ko LORD andito pa naman si bunso sa tabi ko ayaw humiwalay. hindi kinaya ng bioflu at rexidol ano kaya iinumin ko baka naghahanap ito ng red horse yung malaki hahaha (kidding aside po) subukan ko po munang makaidlip kunti kasi maya2x ay magtitimpla na ako ng gatas ni bunso
I AM NOT OK😔
cold evening guyz. kamusta ang mga friends ko diyan mag-ingat kayo ha. yang nasa photo ganyan ang nararamdaman ko ngayon at pati posisyon ganyan. parang matutulog akong nakaupo ngayon gustong-gusto ko ng matulog kaya lang pag humiga ako hindi ako makahinga. mag-advance goodnight na ako sa inyo. pag hindi ako makatulog mamaya sisikapin kung tapusin ang mga unread at discussions. keep safe everyone🥰
CTTO: image I got is from Google
mag BISAYA sa ko ha
maayong gabie sa tanan nakong mga friends dre. magbisaya sa ko kay grabe kalabad sa akong ulo murag mabuak dili ko makamao motagalog. galuha-luha akong mata napay akong ilong mokalit lag tulo. naokay na si @robertyan ako naman ang nipuli murag nibalhin sa akoa. pero pagkakita nako sa akong bitcoin nalipay ko kay mao ni akong naani from Monday-Saturday. daghan kaayong salamat sa mga malumoy ug kasing-kasing. may maidadagdag na akong pambili ng gamot namin🥰
scrambled egg
ito lang muna sa ngayon ang naluto ko tinamad ako eh. nagbabakasakali lang na kakain na si @robertryan kasi paborito niya ito eh. umulan na naman aalis pa naman ako bibili ng gatas at diaper ni bunso. laban lang tayo mga kanoise.app go go go
tinamaan din ako
ito na nga ang ayaw ko eh ang matamaan din. inom agad para hindi na gumrabe nag sakit sakit ng ulo ko. dalawahin na agad para hindi na siya makapuwesto di ba hindi na siya makaka-apekto sakin kasi si bunso medyo mainit din kunti eh. uminit siya kaninang madaling araw kaya pina-inom ko agad ng gamot
maulan na morning pa din
grabe ang ulan hanggang kelan kaya ito. ang happy ni bunso kasi marami siyang cereals gustong gusto niya yan tulad ng koko krunch. pero ayaw niya lagyan ng gatas ewan ko ba sa batang ito. masarap din ito kasi ay baked cereals at apple pie flavor pa ang bango-bango nakakatakam.
wazzz up kaingay
malamig na gabi sa lahat. ito nga pala ang partner ko sa pagbabantay kay @robertryan busy siya sa pagdodrawing sa kanyang tab. papainumin pa namin ng gamot mamayang 10 sana lang eh hindi ako makatulog nagsisimula na akong maghikab. icharge ko muna itong phone
ULAN AT HANGIN
wala na atang hinto2x ang ulan eh may hangin nang kasama. pansin niyo ang kahoy naubos na ang mga dahon hehehe (joke lang) pag ganitong buwan ay naglalagas talaga ang dahon nila may mga bunga yang maliliit. hindi ko alam kung ano ang pangalan ng kahoy na iyan. maulan din ba sa inyo?