read.cash Log in

@chellzplenos

Joined 10 September 2022 · 142 posts

a mother of 4 kiddos, k-drama and c-drama addict

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@chellzplenos

cold morning nakow umulan na naman last day of exam pa naman ngayon wala pang announcement kung suspended ba ang klase. nalate ako ng gising kasi ay binabantayan ko si @robertryan may lagnat kasi. 1 lang ang estudyante ko ngayon ang aking grade 5 exam nila hintay-hintay na muna ako sa announcement

@chellzplenos

good mornite noise.app hay naku umulan na naman samin ngayon, kahapon whole day ay mainit naman dito samin kaya akala ko wala ng bagyo. nagising ako kasi ang sakit ng ulo ko at tsinek ko rin ang anak ko kasi masama na pakiramdam niya kahapon. uminom naman siya ng gamot sinamahan pa niya akong mamili, pag uwi namin pina-inom ko agad siya ng gamot. nilagnat siya at ngayon pagcheck ko ang init-init niya parang nasa 39 degrees ata ito. wala akong thermometer nasira eh kumuha nalang ako ng bimpo at tubig na galing lang sa gripo nilagay ko sa noo niya. bantay mood muna ako baka uminit lalo, lagyan ko noo niya. inaantok na akong ulit pero nilalabanan ko.

@chellzplenos

GANDANG GABI magandang gabi noise.app. kakarating ko lang galing namili ng mga ititinda sa tindahan at bumili ako ng tab para kay bunso advance birthday gift niya. birthday niya this coming november 10 at 4 years old na siya. makakatambay nako dito pag tapos na ako sa gawaing bahay kasi hindi na manghihiram si bunso ko.

@chellzplenos

COLD MORNING kamusta tulog natin mga ka noise.app? thank God at wala ng ulan perl malamig pa rin ang panahon, ok na ako diyan kesa yung umuulan kawawa mga estudyante. nalate ako ng gising buti nalang at 1 lang estudyante ko ngayon exam pa naman nila hanggang bukas. hindi rin natuloy ang suspension of classes today kasi wala namang ulan. saing muna ako at after nito itlog na naman ang lulutoin ko.

@chellzplenos

RAIN RAIN GO AWAY at dahil umuulan at walang pasok ang 2 kong estudyante dito ako sa bahay magbabantay kay bunso. ang 1 bata nagbabantay ng tindahan, ang lalaki ko naman ay pinabili ko ng ulam sa merkado 1/2 kilo chicken feet at 1/2 kilo ding backbone. magsasabaw na naman kami ngayon, may bagyo daw eh hanggang friday pa dito raw sa Central Visayas. buti nalang at last day na ng pasok bukas pero yun lang matumal ang benta. at habang andito sa bahay practice2x si bunso kasi magschool na daw siya kaya binilhan ko ng mga coloring book, activity book at magic book dun sa shopee may lapis, crayons, color pencil pero ewan kung asan na napunta. magsulat muna kami kaingay ya g sa 2nd phot yan na ang natapos niyang itrace.

@chellzplenos

LATE POST gandang gabi sa lahat. grabe ngayon lang ako nakahawak ng aking phone kaya naman ang resulta now ko lang din mapopost ang ulam ko kanina. ito na yung tinolang backbone na manok. ang sarap-sarap grabe lalo na pag mainit-init pa andami kong nahigop na sabaw kanina. balik ako later kinukuha na naman ang phone

@chellzplenos

BACKBONES naghahanda palang ako ng uulamin namin sa tanghalian biglang umulan dito samin. kaya naman sa nakikita niyong photos ko jan may alam na kayo kung anong ulam namin later. kalahati lang diyan ang lulutoin ko

@chellzplenos

What's up mga kanoise ishare ko lng kinain ko kahapon matapos bumili ng mga ititinda ko ngayon. Nagutom kasi ako andami kung nabili kaya stop by muna tayo sa mall at kumain sa food court. Madami kasing pagpipilian don nabili ko is gulaman na inumin sa master siomai tapos squid roll, lumpia tsaka puso ( yan yung kanin na nilalagay sa coconut leaves sguron yun hhaha basta bisaya lng nakakaalam niyan). Kaya ayun umuwi akong busog the end hahaha. Kayo dyan mga kamars anong ulam niyo malapit na ang lunch ah.

@chellzplenos

GOOD MORNING🥰 helo noise.app! pasensiya na kagabi at iniwan ko kayo ng maaga grabe talaga antok ko kagabi di ko kinaya. at dahil ako pa nga ang naunang matulog ngayon paggising ko si bunso hindi nila nalagyan ng diaper kaya umihi sa higaan. hindi na rin siya nagising napasarap na din ang tulog kasi malamig hinihigaan niya kala siguro niya water bed hehehe. balik ako later ha magsasaing na muna ako. #goodmorning

@chellzplenos

ANTOK NA AKO🥱🥱🥱 gandang gabi noise.app grabe ang pagod ko inaantok na tuloy ako pero di pa dapat kasi nga alive na alive pa and kicking si bunso. grabe ang nilakad namin ng anak kong lalaki kanina tas biglang sumakit ang balakang ko. at ngayon nagsasara na ng kusa ang mata ko kaya naman ay good night in advance sa inyong lahat sa mga friends ko or hindi ko pa friends basta friends ko kayo. hindi ko na alam ang sinasabi ko😁 #goodnight #earlytobed

@chellzplenos

mainit na hapon noise.app kaninang umaga to mga kaingay dumating ang bunso ko sa tindahan ito ang uubos sa aking paninda. late na napost kasi ngayon lang ako nakahawak ng phone umalis kasi si ako kaya nakatsansang manghiram. tulog din si bunso pag-alis ko, magwild yun panigurado pag wala ako

@chellzplenos

HUHUHU😭😭 nakow po papano ko ba matatapos ito ang bibilis ninyo mga friends hindi ko mahabol-habol. pag nagising na si bunso kukunin na naman itong phone hindi na naman ako makakagamit. hindi kaya ng powers ko grabe ang bilis niyo. pero sige lang bahala ng matagalan ang unread basta madadalaw ko din kayo😁 #fighting #kayayan

+1 more

@chellzplenos

mommy duty monday morning kanoise.app. tapos ko ng lutoin ang ulam ng junakis ko. actually po ay hindi na ako nakatulog mula nung umulan ng malakas kanina nanood lang ako ng shopee live nagbabakasakali na antukin sa kakapanood. at nung nakaidlip na ako ay tumunog naman ang alarm ko gigisingin ko na si hubby ng 3:30AM kaya ayun naudlot. nagluto nalang ako ng makaalis na si bunny sakto namang natapos ko na ang pagluluto nagising si bunso. hay naku

@chellzplenos

MAULAN NA GABI grabe ang lakas ng kidlat at kulog dito samin nagising ako bigla kasi bumuhos din ang malakas na ulan. ito na siguro si bagyong Obet exam day pa naman ng mga estudyante ko bukas. pag kumukulog ay nagigising ako kasi matatakot si bunso. sana lang ay makatulog ako ulit hirap pa naman akong makabalik ng tulog pag nagising ako. kayo din ba mga kanoise.app ganyan din kayo pag magising?

@chellzplenos

BAON PARA BUKAS gandang gabi noise.app! meryenda ng aking mga junakis at baon na rin nila. paboritong bunso ko yang rosquillos at biscocho naman ang akin. ilalagay ko lang yan sa plastic bukas at hati2x silang 4 na estudyante. kung sino ang may gusto na magbaon exam day ng 2 estudyante hanggang 12PM lang sila bukas at sa martes 1st Periodical Exam nila.

@chellzplenos

halu noise.app🌙 gabi na ano ulam ninyo? ready na bukas ang uulamin at babaonin ng aking mga estudyante. dumaan kasi si suki ko yung mga nagpapautang ng snacks at frozen foods. umutang nalang ako kasi hindi naman ako umalis pag umalis pa ako at yan lang din ang bibilhin same lang naman sila kasi 2 rides ako eh 40 pesos din ang pamasahe ko balikan mapapagod pa ko di ba

@chellzplenos

PAHELP PO morning po. sino po gumagamit ng brave browser? patulong naman po kung papano magpaverified dito. yang sa 2nd photo ay yung mga wallet na pupuwede lang eh hindi ko naman kabisado kung alin ang maganda at madaling gamitin, yung pagkatapos eh madali ding maitransfer sa coinsph wallet. salamat po

@chellzplenos

PAMPAGOOD VIBES good morning and HAPPY SUNDAY noise.app. while scrolling my FB nakita ko ang post na ito and since mahilig kaming family sa milk tea napasmile ako bigla sakto na to samin. kaya lang ang problema ay iba-iba kami ng flavors na gusto so tig-iisa pa din kami ng ganyan kalaki. kidding aside mga kaingay ilang oras kaya mauubos yan no? kaya niyo yang ubusin kaingay?

@chellzplenos

BIHON gandang hapon mga kanoise.app andito ang mga classmates ng anak ko samin kasi gumawa sila ng project nila nagfilming sila. nilutoan ko ng bihon at puto flan para sa snacks nila at amin na rin free na snacks nila save na ang money nila di ba busog pa.

@chellzplenos

CHARAN!!! andito na po ang naluto ko may version pork adobo simpleng-simple lamang po. hindi pala para sa pananghalian pangbreakfast po pala hehehe. sa tingin ko naman ay masarap naman siya ang anak ko ang pinapatikim ko kasi wala akong panlasa may sipon pa kasi ako kunti. kayo mga kaingay ano sa tingin ninyo? 1st time ko pala magluto ng tulad nito kasi kadalasan si mama ko ang nagluluto talaga

@chellzplenos

baboy ano kaya masarap iluto dito? ito na ang ulam para sa tanghalian. siguro ay imarinate ko nalang tas para yung adobo ba yun. bahala na si batman nito mamaya

@chellzplenos

good morning Saturday🥰 morning sa lahat noise.app friends. flex ko nga pala itong ginagawa ng panganay ko sa tuwing siya ang nagbabantay ng tindahan. lagi siyang gumuguhit lalo na ngayon at sumali siya ng ART CLUB sa school nila. practice practice lang para lalong mahasa ang talento

@chellzplenos

SHAREit good morning good morning mga kaingay. may gising pa ba or sa di pa natutulog diyan? ginising ako ni alarm kasi nga may pasok asawa ko gigisingin ko siya tapos titimplahan ng kape at yung babaonin niyang kanin at ulam. 4 AM kasi pasok niya. sa mga gumagamit ng SHAREit pansin niyo guyz paliit ng paliit ang mga coins nila dati ang lalaki niyan ngayon jusko ko ang liliit na mas lalo akong matatagalan sa pag-ipon ng coins, pero maiba naman natanggap ko na ang 15 pesos load kahapon galing diyan sa SHAREit. susubukan kong matulog ulit mga kaingay

@chellzplenos

cold morning hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko may sipon pa din ako at masakit ang aking ulo. pero gumanda kunti ang aking naramdaman ng makita ko ang laman ng aking bch wallet naka 25.97 ako kahapon laki ng smile ko dito yan yung sa 1st photo, ang 2nd photo naman ay ang total kita ko. A BIG BIG THANK YOU🥰 sa aking mga fellow kaingay na nagshare ng kanilang mga blessings. pahinga muna ako mga kaingay

@chellzplenos

CHOOKS TO GO gandang gabi kaingay. grabe tinamaan ako kung tawagin samin ay "subaw" yung bigla nalang aagos ang sipon sa ilong mo, ang sakit-sakit ng ulo ko hatsing ako ng hatsing hindi bababa sa 5 beses. kaya naman after ko sundoin ang aking anak bumili nalang ako ng manok para ulam sa hapunan. hindi ko na kayang magluto pa. pahinga muna ako ng maaga sa ngayon. habang ako ay sumusulat nito nakaupo lang kasi pag ako ay hihiga hindi ako makakahinga

@chellzplenos

UWIAN NA andito ako ngayon sa school ng aking grade 5. hindi niya alam na susunduin ko siya ngayon kasi mula ng tuesday siya nalang mag-isa ang umuuwi pero ngayon ay sinundo ko kasi parang uulan eh mababasa na naman yun

@chellzplenos

BAGONG RAKET kamusta tayo diyan mga kaingay? may time pa akong magbabad ngayon dito kasi andito ako ngayon sa tindahan tinutulongan ko anak ko ay siyempre dotdot na rin sa mga raket di ba. ito ang bago kong raket isa akong agent dati ay player ako ngayon agent/player na rin. subok2x lang di ba wala namang mawawala. sa mga mahilig maglaro diyan feel free to comment

@chellzplenos

cold rainy morning morning mga kaingay. paggising ko kaninang 3:30 AM ay umuulan pala, ginigising ko kasi ang asawa ko kasi 5am pasok niya. at ngayon nag-open na kami ng tindahan kasi may pasok pa 4 days na pasok dito. yan nga pala ang panganay ko wala kasi siyang pasok kaya diyan muna siya aasikasuhin ko pa kapatid niyang may pasok ngayon. balik ako later pag makabalik alamz niyo na buhay ina maraming gawain sa bahay😀

@chellzplenos

morning all gandang umaga mga kaingay. nahatid niyo na ba mga students ninyo? ako hinatid ko ngayon ang aking grade 5 kasi may hinatid akong bayad para sa janitorial at sa project ng room namin para sa ikakaganda ng pagtuturo sa aming mga anak. basta para sa kapakanan ng estudyante at kung may maitulong gorabells talaga ako. nakikita ko naman kasi ang effort at malasakit ng adviser para sa kanyang mga estudyante. hiningal ako pag-akyat diyan nasa 4th floor kasi room niya da pagbaba walang problema ang pag-akyat lang. buti nalang at wala pa silang libro sus kung meron na kawawa anak ko ang payat-payat pa naman nun.

@chellzplenos

JOLLIBEE TIME malamig na gabi. kakarating lang namin sa bahay, kuha yan kanina habang napakalakas ng ulan nasa jollibee naman kami kumakain sayang at wala ng toys. ang saya-saya ni bunso kita naman sa mukha di ba at nakakain na naman siya ng jollibee matagal-tagal na ding hindi siya nakagala eh.