RAIN RAIN grabe ang ulan napakalakas may hangin pang kasama. pumunta kami ng anak ko sa pinapasukan ng aking asawa kasi kumuha ako ng pera pambili ng kakailanganin para sa school, hindi kasi siya uuwi mamaya sunday bukas karamihan sa mga tindahan ay sarado. kain sana kami sa jollibee para may toys ulit kaya lang wala silang toys transfer kami ng place at papunta na kami sa sakayan ng jeep biglang bumuhos ang malakas na ulan. hindi pa kami makaalis kasi ang lakas2x talaga…
KAINAN NA tapos na ba kayong kumain? sure ko pag nakita niyo ulam ko maglalaway kayo. fried kyampi at utan bisaya perfect combination ito. kilalang kilala ito ng mga kababayan kong bisaya diyan yung iba mas gusto nilang ipartner ay mais na bigas pero ako hindi ako sanay diyan. LET'S EAT GUYZ😀
maulan na hapon umuulan ba sa inyo ngayon mga kaingay? dito samin tumila na. at dahil busy ang mudra sa paglalaba ang anak kong lalaki si @robertryan ang nagluto ng ulam namin kaninang tanghalian. ang walang kamatayang sardinas with egg hehehe, at siyempre pinartneran ng ice cold coke para busolve talaga. grabe ang mahal2x na dito samin 55 pesos ang 1 litro sa iba naman ay 60 pesos. sa inyo mga kaingay magkano ang Coke? baka dito samin lang ang mahal
SIBUYAS BOMBAY morning morning. I'm back mga kaingay. ano tawag sa inyo niyan? dito samin sibuyas bombay tawag meron ding sibuyas dahon hehehe. back to my photo, grabe na mga kaingay ang mahal-mahal na una ng nawala ang puting sibuyas dahil sa tumaas ang presyo nito ito naman ngayon. akalain mong 5 pesos yan pero no choice eh need isahog sa ulam kaya pikit mata nalang mga kaingay. kelan kaya bababa ang presyo or may chance pa kayang bumaba. anlamig sarap pa sanang matulog
AFTER NG ULAN gandang gabi kaingay. sino ang taga Cebu dito? tanong ko lang kasi grabe kanina ang lakas lakas ng ulan. tiyempo naman na ako ang kumuha sa anak ko at wala akong dalang payong kasi wala naman ambon. mga 4 PM plus ay umulan sakto naman nasa gate na ang anak ko. bumuhos ang malakas na ulan at wala kaming masilungan kasi full pack agad sa mga parents, lolo't lola, ate at kuya na naghihintay sa mga estudyante nila. buti nalang at wala akong dalang cellphone kasi…
INOM TAYO😀 grabe na ang init. sus maryosep nakakauhaw talaga. inggit ba kayo sa juice ko sarap nito may ice pawi ang uhaw nito ng ilang segundo😀. 10AM palang pero ang init para nang tanghali kaya naman eh napatimpla tuloy ako nitong juice
good morning kaingay morning morning. habang papunta ako sa tindahan nakita ko itong mga guard nagform para sa pagready ng shift nila. ito ang mga guards dito sa subdivision malapit samin. ako ang magbabantay ngayon kasi may pasok na silang lahat.
MIXED VEGGIES gandang gabi. hay naku sobrang busy ngayon lang nagkatime dumaan dito. ito nga pala ang ulam namin kanina niluto ng anak kong pangalawa mahilig kasi itong magluto. ginisa lang yan sayote, pechay at repolyo na may kunting sahog na baboy. solve na ang tanghalian namin kanina
NAKAGALA SI BUNSO gandang gabi kaingay? kamusta kayo diyan? ano sagot ko diyan, ako ay napagod sobra. sumama kasi si bunso sakin para bumili ng kunti para sa tindahan. naisipan kong palaruin siya dito kasi maraming bata baka makikihalubilo na siya sa iba. yun ang akala ko habang nagfifill-up ako ng registration ayaw niyang pumasok nagtatakbo siya sa labas kasi ayaw niyang pumasok. nag-alala na si ate kasi nga nagstart na akong magfill-up, pwde siyang gamitin bukas pero need…
BIG BITE IN 711 morning morning. kamusta mga kaingay? kagabi pala yan pumunta kami ng 711 ng mga bata. binigyan ko sila ng rewards yan lang kasi wala pang budget para jollibee😀. masaya at kuntento naman sila kasi isa din naman yan sa paborito nila, enjoy enjoy lang pag may time. laba mode muna ako mga kaingay
HAPPY TEACHER'S DAY🥰 good afternoon. happy teacher's day to all the teachers out there. ito nga pala ang paninda ko kanina naubos agad mura lang yang mga bulaklak yang walang pink sa gitna 1 piso tas yang may pink 2 piso lang. pati mga chocolate ko na choco mucho ubos din. tulog muna ako kunti kasi napagod, kahit walang pasok bukas magbubukas ako ng tindahan pero hindi na maagang maaga
GISING GISING NA sa mga parents at students diyan naka-alis na ba kayo? bilisan niyo na ang kilos para hindi matraffic sa daan. chocolate moist cupcake nga pala ginawa ko kagabi para pandagdag sa paninda ko 6 pesos lang yan at sa improvised oven ko lang siya niluto, hindi na sila lugi ako ang lugi ata hahaha. pero ok lang malilibre naman ang snacks ng mga junakis ko. ako muna ang tatao sa tindahan dahil si panganay ay maliligo at kakain pa yun😀
morning morning ano ba to bigla na lang umulan buti nalang at mahina lang. tapos na akong magluto ng uulamin para sa aking mga estudyante, ang tanyag na ham at scrambled egg. gising na rin ang mga estudyante naliligo na kahit malamig ang tubig. balik ako mamaya ha aasikasuhin ko mula sila, sumaglit lang ako😀
BUSY MODE morning morning sa lahat. dahil sa sobrang busy ko kahapon hindi na ako nakapagpost. ito nga pala ay bam-i nilutoan ako ng aking mama dahil nga ay birthday ko kahapon. matanda na ako 40 na😀 sabi nga nila di ba "LIFE BEGINS AT 40" tingnan ko nga kung totoo ito. maaga akong nagising kasi ginising ko pa asawa ko nakaalis na siya 20 minutes ago hindi na tuloy ako makatulog ulit hahay ganito talaga ako pag nagising eh
MY COLLECTION good evening kaingay. nabuhay ulit ako after 2 days hehehe. share ko lang po sa inyo ang collection ng wallet ko, lately po ay parang na-addict ako sa Dior. una kong pinurchase ay yang long wallet at 2 short wallet color khaki at gray, pero yung khaki ay binigay ko sa aking mother-in-law. yang medium wallet naman na nasa gitna ay kanina lang yan dumating sa shopee ko inorder sa live selling iisang store lang yan silang lahat. parang reward ko na din sa aking…
MAGANDANG BUHAY paubos na ang mga biscuits ko. mamimili ako mamaya kahit walang pasok bukas. yung mga tindang laruan ko ay meron pa pero yung sticker at necklace and ring set at 3 piraso nalang natira pang 2nd time ko nang bumili nun. maganda din naman kasi kaya attract sa mga bata talaga tsaka yung pop tub ba yan ewan ko kung tama ba ang spelling ko nakailang beses na akong bumili kasi laging ubos 3 piraso nalang natira ngayon. LORD pagpalain niyo po sana kami ng makarami…
GUYABANO magandang morning kaingay. kamusta kayo? ako ay okay na kasi okay na si bunso ko wala ng lagnat. hindi na ako nakabalik ng 2 days kasi nabusy ako kunti, pumunta pa sa amin kahapon ang Mahal na Birhen dito siya natulog samin mamayang hapon kukunin na siya. nakalimutan ko na tuloy ang guyabano hehehe, isa pang tawag dito samin ay "siko karabaw" isa itong pinaka the best na source of vitamin C masarap ito maasim na manamis-namis. dala ito ng asawa ko mula sa probinsiya…
MAY LAGNAT SI BUNSO gandang gabi kaingay. tulog na ba kayo? ako inaantok na kaya lang binabantayan ko pa si bunso may sakit kasi eh. actually kaninang umaga uminit na siya kaya pinainom ko agad ng gamot. bilib ako sa batang ito kasi kahit nilalagnat napakabibo pa din, matapan pa din nang-aaway ng ate at kuya niya. mas gusto ko pa ang ganyan kesa naman ay laging nakahiga at matamlay na matamlay. mapapasubo na naman tayo ngayon ng tulog manok. ngayon lang biglang umiyak hindi…
Magandang umaga everyone luto na ang aming lunch oh diba ang aga 11:00 am pa may 1 hour pa before mag 12. Pero mas maganda parin kapag may handa kana para kapag lunch time na iseset-up nalng yung lamesa tapos kain na. Isda ang for today's menu may piniritong isda at tinolang isda. Kayo guys anong ulam niya for lunch? share namn kayo hahah joke.
maulan na hapon🌧️ kakarating ko lang namili ng ingredients para sa lulutoing biko dadalhin bukas sa probinsiya. at namili na rin ako kunti para sa paninda. nakita ko itong butterfly na clip naalala ko si Jolina Magdangal kilala niyo naman siguro siya ano po mga kaingay. 90's nung sumikat si Jolina ganito ang mga hair clip niya meron pa isa nito yung may spring gumagalaw-galaw si butterfly. naattract ako sa mga kulay ang gaganda siyempre si bunso meron din 3 piraso ang kanya.
SIOMAI LOVE🥰 good morning noise.app family. may ulam na ba kayo? kami ito ulam namin for tanghalian binili ko sa aking suki 200 pesos 25 piraso. ang sarap-sarap niya may itlog pa sa ibabaw. kung gusto mong ifried okay naman masarap din siya. halika kain tayo
GOOD MORNING wow ang ganda naman at may bago pala, sa tingin ko gaya ng noise.cash masaya rin dito magkakaroon na naman ng mga new friends. excited na ako, but before that kain muna tayo ng breakfast. ang niluto ko ngayon is scrambled egg lang naman yan with a twist may sibuyas, bawang, sibuyas dahon, kamatis at pechay para maiba naman. masarap din naman siya may kakaibang lasa kang malalasahan. try niyo guyz😀