nakakapagod
nakakapagod na ang buhay na ganito. parang ikaw lang yung handang mag-sacrifice para inyong pamilya. pero yung partner mo walang ginagawa kundi hindi kayang ipadama man lang na importante ako sa kanya. parang nakakapagod na mag tiis sa taong akala mo ikaw yung importante sa kanya maliban sa trabaho. kasi need naman talaga mag trabaho sya para sa aming mga anak. pero sana naman mapadama man lang yung pagkukulang nya bilang asawa. nakakapagod na. kung di lang dahil sa mga anak ko sigurado hindi na ako nagtiis ng ganito. hindi naman para sa sarili ko yung sinakripisyo ko kundi dahil sa mga anak ko at lalo na ayoko lumaki mga anak ko na walang kinagisnan na mga magulang. sana gisingin na yung puso't isap niya hangga't hindi pa huli ang lahat.
No comments yet