read.cash Log in
@cheche2018 more from that month

this is my entry to sis eybyoung's contest.. ang pinipili kung gawan ng article is yung alcohol's addiction. me myself already experience of what your mom's experience. isa din ang asawa ko na adik sa alak. everyday umiinum at ni minsan hindi nya kami binigyan ng oras na pamilya nya. ginawa ko na ang lahat. kahit buntis pa ako naging sunod sunoran ako kung san sya pumupunta. tapos isang gabi para hindi na nya napigilin ang pagsunod ko sa kanya. muntik na nya akong sampalin sa harap ng kainuman nya. hindi ko akalain na magagawa nya sa akin yun. hindi nya nakikita kung anong sakripisyo ko na mag sunod sunoran sa kanya kung saan saan. kahit buntis pa ako. tapos yun yung gagawin nya sa akin. pero hindi ko na kinaya ang pagiging adik nya sa alcohol. nag 8years kami na ganon yung sitwasyon ko sa kanya. pati anak namin hindi na sya gusto na maging ama sya. isang araw na para nawalan na talaga ako ng gana sa pagsasama namin. neh makipag siping sa kanya hindi ko magawa. kaya naghanap ako ng ibang paraan para hindi ako magkaroon ng depression. gumamit ako ng BIGO APPS.. dami akong nakilala don lalo na mga lalaki. pero hindi ko akalain na makipag relasyon ako sa isang tao na hindi ko naman kilala at hindi ko nakikita kahit kaylan. umabot kami ng 9months na hindi nalalaman ng asawa ko. hindi ko akalain na magagawa ko ang bagay na yun. na makipagrelasyon tru chat o video. ang dami kung nakilala. tapos ng 9months nalaman na ng asawa ko na may kachat akong iba. tapos yun. ako pa yung binubogbog ng mga magulang ko sa harap ng asawa ko dahil lang sa nakipag relasyon ako sa iba. ni hindi nila alam kung ano at bakit nagawa ko ang lahat ng yun. tapos yung gusto ko ng lumayas ayaw nila ipadala yung anak ko dahil wala naman daw ako maipakain sa anak ko. pag umalis daw ako. ipapaampon nila ang anak ko. natakot naman ako dahil ayoko mawalan sa anak ko. gusto nila makipag balikan ako sa asawa ko at aayusin ko na daw mga nagawa ko sa asawa ko. tapos nong okay na ako at bumalik na ako kung ano ako sa kanya dati. pagkatapos naman okay naman sya pinakita na nya na nagbago sya. pero isang taon lang pala ang pagbabago nya. bumalik na naman sya sa dati. para bang pinaglaruan lang ako. tapos isang araw birthday ng kumpare namin don na ako hindi nakatiis at sinumbat ko lahat lahat. sa awa ng diyos okay naman sya ngayun hindi na gaya ng dati. sana tuloytuloy na ang pagbabago. kasi lahat ng ginawa nya ipinaalam ko na sa pamilya nya. ito na po ang kataposan ng aking kwento. sana bigyan ng chance ang lahat ng tao. lalo na sa mga ama ng mga anak natin. kasi balang araw ibibigay ng diyos ang tamang panahon at oras. sana magustohan at mapili ako.

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.