read.cash Log in
@charol09 more from that month

Nahiling ko tuloy ngayong araw na sana ako na lang si Pina noong hindi pa siya nagiging pinya. Tipong wala kang napansin o nakita para hindi ka mas lalong napagod ngayong araw. Bakit ang mga nanay mahilig mag multi-tasking kahit nakakaubos ng energy. Nagpapaikot ako ng washing habang naglilinis, kapag nagbabanlaw at naghihintay na mapuno ang tubig nagpupunas ako ng kabinet habang nag oorganize sa mga laman nito. At habang walang babanlawan e nagtatanggal ako ng mga anik anik ng panganay ko sa higaan niya. At ng matapos na ang lahat para mamahinga, nakita ko ang banyo na kailangan ng linisin dahil marumi na. Hayys.. Pina sana ako na lang ikaw. Image source unsplash.com

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.