Siguro naman hindi nyo ako i a unfriend dahil sa post ko mga friend. Share ko lang ngayon ang ulam ko na dumaan sa hirap bago naluto. Ganito ang kwento, hindi ito nakakaiyak kaya wag ka nang kumuha ng panyo. 4:30 bumangon ako. Nagsaksak ng WiFi bago nagsaing. Mas mahalaga sa akin ang mag update muna kaya WiFi ang inuna ko. Tapos nagsaing ako habang si hubby pumuntang palengke. Bilin niya mag-init ako ng tubig para may magamit ang mga bata sa paliligo nila. Sumunod ako. Habang dali-daling kinuha ang selpon para bumuo ng isusulat sa unang post ko ngayong araw. Puno ng pressure at pagnanais na maunahan si hubby na matapos kagad. Mejo nainis pa nga dahil kinailangan ko pang tumayo sa pagkakaupo para lang patayin ang maingay na tubig na kumukulo. Sa abalang naganap nawala sa isip ko ang susunod na isusulat kaya ang pawis ko tila gapatak ng monggo na ang lumalabas. Puno nang nginig at takot na baka nandiyan na siya at mahuli akong nakatitig sa selpon na ayaw maabala. Ano ang nangyari? Sa kasamaang palad naabutan niya ako pero hindi pinansin at tuloy lang sa lababo. Sa isip ko, " bakit ba ang bagal ko?". Ang sabi ko na lamang, "pakilaga at busy pa ako". Nasunod naman niya. Habang abala ako , abala naman siya sa pagplaplantsa ng susuotin nilang pamasok sa eskwela at trabahong puro pagod lamang ang napapala. Balik tayo sa selpon. Ayon na nga habang abala akong nag seselpon at abala si hubby sa ginagawa. Biglang naubos ang gasul at napasambit ng pambihira. Buti na lang natapos ko ang aking pinakaunang post kahit ang gasul namin ay wala. Kaya no choice sinalang ko sa rice cooker ang longganisa pero nakalulungkot hindi naluto bago ang oras na pumasok sila sa eskwela. Pansit at spaghetti na lang ang aming inulam sa agahan dahil tanging ito lamang ang tinda sa kanto at wala nang mapagpipilian. Masarap palang iulam sa kanin ang spaghetti kaibigan ngayon ko lamang nalaan. Sa awa ko sa longganisang naiwan inintay ko lamang dumating si gasul at niluto ko kaagad. Upang hindi magtampo at makain ko sa pananghalian. Salamat sa pagbabasa sana may natutunan kayo. 12:59 pm October 21, 2022 4th post Longganisa
34 comments
Wala naman masama sa post mo sis. Haha. Good afternoon
Salamat sissy
May nakita lang kase akong post noong nakaraan
Okay lang naman ang post mo ah 😊
May nabasa lang kase ako noong nagdaang araw, ahehe
Naku hundi ba yon nagalit hubby mo sis
Hindi sissy, hindi agad nagagalit yun
Buti naman
Di ko alam na pwede palang uulan ang spaghetti sis. Maalat ba ang sa pag? Dito kasi madala sweet eh
Sweet sissy, ako din nagulat ok din pala, macaroon gamit nila
Buti nalang mabait si hubby mo dika pinagalitqn sa pag bababad mo ng cellphone
Hindi naman, dapat sakto lang sissy kapag nanjan na, konting oras tapos bitiw na agad
Favorite konyang longganisa sis hehe Ang tiyaga mo mag type sis Ang haba
Pampa good vibes lang sis, ahe
Meron talaga ayaw sa mga food posts noh?
Oo friend, ewan ko ba kung bakit, sa akin ok lang
Ok lang din para sakin kasi minsan yung lang naman siguro yung sa tingin nila maganda ipost
Oo , tsaka wag namang mahigpit, enjoy lang
Meron bang bawal dito? Baka hindi ako updated
Siguro yung spamming tapos yung ilang bawal sa noise.cash ,yun lang. Iisa lang naman sila
No negativity naman dito kaya dapat walang magagalit
Yes po
hehe! Tagal pa ng nilakbay ni longganisa , nakarating pa ng tanghalian, hehe!
Yes sissy, abot pa ng hapunan
Haha haba ng kwento sis
Ahehe, sana na enjoy mo
Sis ano pala tawag sa ulam niyo sis?
Longganisang bawang sis
Ah okay sis...
Look great this food
ngayon lang ako nakarating sis ayan nabsa ko na, hayaan mo na sya kung unfollow nya tau may luto pa naman ako adobo kanina 😂😂😂
Dapat may kalan de uling kayo or electric stove para in case maubusan ng gasul may pang salo sa pagluluto.
Dapat nga sissy
Mas less ang traffic dito sis Nahihilo ako sa app🤣 Pabalot na lang sakin sis 🤗🤗 Maya ko balik ako sa app🤣