When I was a child, I wanted to grow up and fall in love, Now that I've grown up and fallen, How I wish I was a child again, Coz it is easier to heal a broken knee than a broken heart. I already finished my laundry. Hindi isang sandok na kanin ang natira sa akin ngayon kaya hindi ako magdradrama. Ni caption ko na itong quotation na naitabi ko mga 18 years ago. Grabe tagal na pala. Hand writing pa nang mga kaklase kong mahilig mag emote ang sumulat ng iba nito. Hanggang ngayon close pa rin naman kami. At nagkikita once a year. Ewan ko lang kung may bonding ngayong taon. Plano ng dalawa kong friendship ang mangibang bayan. Ang isa Dubai at ang isa ay Taiwan. Ang totoo umpisa palang ng buwan ng Enero taong kasalukuyan ay plano na naming magbonding. Kaso siyam na buwan na ang lumipas ang plano namin hanggang ngayon plano pa din. Pansit canton na nga lang ang ihahanda matuloy lang kaso ala pa din. Wala tuloy kaming picture this year. Kung sabagay ang tunay na kaibigan matagal man ang magdaan na hindi nagkasama ay magkaibigan pa din hanggang wakas. Basta tunay ha, wag na nating pag usapan ang peke. Baka madami ang ma high blood. Thoughts of the day Ang tunay na kaibigan matagal man ang magdaan na hindi nagkasama ay magkaibigan pa din hanggang wakas. 12:14pm October 7, 2022 Kaibigan
15 comments
Huwag daw kase mag Plano. Nagiging drawing. Heheheh
Tumpak sissy , ayaw lagyan ng kulay
Stick man (drawing will do) daw kasi.
Ahaha, kaya nga.
-->… 😅ganyan din kami sis panay plano tapos hindi natuloy tuloy… kaya ginagawa namin ngayon wala ng plano2x kung sino ung available gura… kc pag pinaplano hindi natutuloy eh!...hehehe… tapos pag ung wala sa plano naman nako bigla susulpot ung hindi inaasahan na makakapunta…
Naku sana ganyan kami sissy, kahit wala sa palno gora lang! Aapat na nga lang mga cannot be reach pa.
-->… ☺ ganyan talaga cguro sis lalo na pag may kanya2x ng pamilya… pero kahit hindi madalas magkita hindi parin nagbabago ung samahan…
ganda nang mensahe sa first stanza sana nga noh ganun kadali
Ahaha, pumapag-ibig lang ang peg, sissy.
ayeah sana all pumapag ibig sis haha
Hahahahha truth, it's easier to put bandages and alcohol than lifting our self after the break up 😅. Chaaarrr
Lakas makabudol ng pag-ibig.
Ganda naman ng color. 🧡
Kaya nga, sayang lang nakalimutan ko ang pangalan nitong bulaklak. Marami daw nito sa Mindoro
Tama kapo sis sabi nga through thick and thin po ehh