Time flies past in my day. I feel tired and exhausted when I got home. I don't have the energy to do my chores, I simply want to read posts here while resting. I told to my daughter to cook rice for our dinner. She will use a rice cooker to do that, besides, it is easy to cook there, she will just need to clean the rice, put the pot, turn it on and leave it until it cooks. Ang dali lang magluto ngayon ng kanin. Hindi dinanas ng anak ko ang hirap ng pagluluto noon nito. Gamit namin noon ay kahoy, kaya kinakailangan ko pang mag-ipon ng gagamitin naming panggatong sa pagluluto. Pagsindi pa lang ng kahoy pahirapan na sa murang edad ko. Ang gamit namin noon ay kalderong mas maitim pa sa uling dahil hindi naman kinakaskas ang gilid nang kaldero, puro loob lang ang nililinis. Tapos ang dalas ko pang pagalitan dahil kung hindi hilaw ang sinaing ko ay nilugaw naman sa lata. Dahil sa karanasang iyon minsan naitanong ko sa langit kung bakit ang pait nang buhay. Naaalala ko pa, yung apoy sa sinaing ko mas mataas pa sa kaldero dahilan para talagang umitim ng husto ang gilid ng kaldero. Sabagay lahat naman ng gamit namin sa pagluluto kulay "charcoal", mula kardero, kawali hanggang sa takuri. Balik tayo sa sinaing, ayun nga dalas kong pagalitan. Kapag hilaw ang luto ko ang life hack na ginagawa ko ay magbudbod ng asin sa takip nang sinaing. Ewan ko ba kung bakit, basta alam ko magbubudbod ako ng asin habang nananalangin na maluto ng maayos dahil kung hindi, magagalit ang lolo ko na mahilig mag utos tapos pagpalpak nagagalit. Hay buhay! 6:03 pm October 6, 2022 Alaala Ng Sinaing
16 comments
Ngayon sis ang dali na lang magluto ng kanin ano. Rice cooker lang, isang click ayos na. Wait kana lang na maluto sya.
Oo sissy, iwanan lang OK na
I agree Sis, pero mas okay naman din kasi di time consuming but still kailangan matuto sa kahoy or uling in case of emergency
Tama, ang problema na nga lang ngayon mahirap ng makahanap ng kahoy.
Hehe nung bata pako itim na ilong ko dipa ko nakakapag paapoy, hahaha! Babad na yung sinaing.
Ahaha, tama sissy ang tagal talaga magsindi. Tipong nakakaiyak.
Nako sis, pareho lang tayo. Napapagalitan lagi kapag nahihilaw o nalalatabang sinaing. Swerte mga bata ngayon. Dati, pangatong na basa, di ka makakapagluto
Oo, kaya yung kahoy noon mahalaga. Kailangan may imbak ka.
Gamot yan sis diba,, ano nga va tawag sa halaman na yan? Nakalimutan ko e
Hindi ko alam sissy, nagagamit pala to, galing. Sa anong sakit sissy?
Yown alam ko na tawa tawa yan,.. di ko alam kung anonong skit na pang lunas jan e, nasa Google yan
We don't have rice cooker, sA gasul kami
Ok din yan sissy, mas madali kung ikukumpara sa de kahoy
Ay oo sis
Ganda naman ng photography sis. 🥰
Salamat sissy, puro bulaklak nga lang picture ko , mukha na akong photographer sa kalsada