read.cash Log in
@charol09 more from that month

Buwan ng Octobre, isang araw ng alas-dos at maulan. Hawak ni Carol ang payong na niluma na ng panahon. Aaalala ito ng isang kahapon na lagi niyang binabalik-balikan, na kahit gaano niya ingatan at alagaan sira pa rin itong tingnan. Sa dami ng payong na madadampot bakit tila may nagtulak sa kanya na ito pa ang kunin para gamitin. Alaala ni Jomier ang payong na ito. Huling nakita niya ang binata gamit pa niya ang payong na ito habang umiiyak na lumalakad papalayo. Matapos ng ilang panahon natupad ni Carol ang pangarap niya. Nakapagtapos ito ng pag-aaral at nakabili ng lupa na pinagpatayuan ng maliit nilang bahay kasama ang ama't inang may edad na. Simula ng makatapos at magkatrabaho buong sikap siyang nag-ipon para suklian ang hirap ng mga magulang hanggang sa bumuti na sila at hindi na mabakas ang dati nilang buhay maralita. Sa mahinang buhos ng ulan, binuksan ni Carol ang payong na luma. Habang naglalakad mula sa di kalayuan may nakita siyang isang pamilyar na mukha na nakatitig sa kanya. Mabilis na kumabog ang dibdib niya at hindi maiwasang manginig ng bahagya. " Si Jomier ba yun?" Tanong niya. To be continued.. Note: Ginawa ng may akda bilang pampagood vibes lang. 3:19 pm October 25, 2022 5th post Carol at Jomier 2 Image source Unsplash.com

20 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.