Tuwing ganitong buwan napupuno ang Refrigerator namin. Natapos ko na nga palang magtunaw ng asukal, 175 pcs yan lahat nagpasobra ako ng 15 pcs na lanyera para hindi na mag tunaw ulit. Kamusta ang maghapon ko? Ito masiglang masigla para matulog na, 😅 ahaha. Nakaipon ako ng sakit ng binti at ngalay na kamay kakatayo at kakaikot ng lanyera sa kalan. Pati nga utak ko nahihilo na sa inip kakatingin sa lanyerang hindi pwedeng masunog. Mabalik tayo sa refrigerator naming napupuno kapag December, madalas kinakabag ang ref namin puro hangin kase laman at kadalasan no. 1 lang ang lamig niya. Ngayon magpapasalamat ang ref namin at magiging no. 3 na siya, yahoo 🎉 ! Pero syempre panandalian lamang ang saya dahil matapos ang 24 ng umaga, didighayin na uli ito sa kabag. Huwag na kayong magtaka ba't ang haba ng kwento ko, aba'y buong isang araw ako sa kalan at nagsesenti kung bakit ang tagal matapos ng 175 na lanyerang may asukal na kailangang tunawin. Yaan mo nang magkwento ako habang napapagod ka kakabasa sa kwento ko na puno ng aral ng buhay at drama. Ahaha Sana naaliw kita, napasaya, at nakita mo sa kwento ko ang layunin ng buhay mo. Ang totoo, nag-iisip ako ngayon kung sino ang magmamasahe sa binti ko na pagod na. Nagmamahal, Chucha 8:10 pm December 21, 2022 4th post Wednesday Makabuluhang gabi sayo!
28 comments
Baka naman po makatilim niyan hehe.
Virtually na lang, Scarlet. Mapapaulit ka sa sawap!
Baka maubos ko yong lima ahaha favorite ko yarn pati ang buko pandan.
Kahit mag lima ka sis, afford na afford mo ito
Ahaha masawap kasi 😆.
Trulalu, madalang lang ang leche flan ihanda
Lungad sa lyaneraang ref mo sis
Oo sis, muntik ng hindi magkasya meron pa yan sa gilid ng ref sis, hindi ko na kinuhanan
Kadami eh, pero ayos yan para ready na at lagay nalng ng lagay
True, sis, 2 days ang luto ko ng leche, need kase palamigin bago i dispose lahat
Oo nga,ako plan ko din gumawa pansarili lng taz gagayahin ko ung nakita ko safb kasi wla ako steamer
Ang dami na niyan beshie. Wow. Wala ako buong maghapon kaya di ko alam na nagstart ka na
Oo sis gang sabado na ang pagod ko na ito to the highest level, ano ba kdrama natin ngayon next week makapagbabad
Sabi ni dzai. @Pathrelle KINGDOM daw maganda zombie series. Di ko pa na simulan. 😅
Naku wag naman yun, yung nakakawasak ng puso ang gusto ko
Naku wag naman yun, yung nakakawasak ng puso ang gusto ko. Ayan na posting too fast na din ako, malamang double na itong reply ko
Double nga girl. Hehehe Ay, ako gusto ko ang zombie. Kapag may time ako, panonoorin ko yan
Sikat nga yang Kindom na yan bessie sa netflex
Wow kita na nmn yan sis
Pwede po pa free taste haha
Sure sis, eto na ang leche flan ko ahehe
Nakakatakam huhuhuHAHAHAHA
Ang daming paorder sis. Hehe sana matutu din ako ayyy
Ay kayang kaya mo sissy, lahat ng product ko sa youtube lang lahat
Galing sis . More orders sayo..
wow. dming leche flan hehehe
Salamat sissy, trial and error lang sis, ginagawa ko gumagawa muna ako ng para sa amin kapag may nagustuhan akkng iluto, kapag ok na ang lasa tsaka ko nilalabas
ganyan din ako. trial and error muna for me. then if oks na tska ko inaalok. for now im still on trial and errror sa coconut macaroons. hirap makuha ng tamang texture.