Bakit ba ang bilis ng oras? Tila ba tumatakbo at nagmamadaling tumakas? Natulog lamang ako pero heto at bumabangon na para lumabas. May lakad din ba ang oras? Kaya mabilis na lumilipas? Para palang pag-ibig ng iba ngayon Na biglang susulpot tapos mapapanis na kaagad. Ipapadama sayong mahalaga ka sa una pero susunod ay hindi na. Buti pa itong Leche Flan ni inday chucha hindi ka papaasahin sa sarap. Walang pag-ibig dito bessie na pasasakitin ang puso mo at iiwan ka na mamayang alas-kwatro. Dahil ang dessert na ito sakto sa tamis at hindi gaya ng nakakaumay na pag-ibig. Siniguradong sa tamang oras hahanguin upang ang lasa garantisadong panalo At hindi gaya ng pag-ibig na peke na masakit sa puso. Sabi nila ang pag-ibig walang maipapantay na salapi. Tama naman dahil ang pag-ibig walang etiketa o presyo na nakadikit sa kanya. Kaso bessie pag-umiibig ka hindi pwedeng walang effort na pasalubong at tsokolate na pampakilig man lamang sa sinisinta. Ano ang punto ko? Mahal ang pasalubong pero itong Leche Flan ko 35 pesos lang at hindi pa sasakit ang bulsa mo. Order ka na! 2:13 pm October 17, 2022 Pag-ibig vs Leche Flan
31 comments
Sarap ng leche plan
Salamat sissy, best dessert kapag may handaan
Abay ang mura naman yarn
Oo sissy mura lang dito daming kalaban
Mabuti may tinutubo pa kayo? Ang mahal ng gatas wh'ano yan yong lianera sya?
Oo sissy lanyera, may tubo din ito ang isang pang extra income ko, by order leche
Leche talaga😁kung malapit ka lang kahit baka pakyawin dito saamin yarn ahaha nasa 50 pataas ang presyo dito nyan.
E mag try ka nang magbenta
Oo nga..sarap tingnan lalo na kaya kapag natikman.😊
Yes sissy, panalo talaga
Pahingi Sis lagay ko sa halo Halo Ang sarap tignan Lalo na Ang kulay.
Gora lang sissy..
hahhahahah, ito naman kung magbinta, napakadami pang hugot😂😂😂
Para may bumili sissy, tapos dami benta
Char kaya pala nauumay ang I anag tao sa pag ibig. Sobra palang tamis
Yes ,kaya doon ka sissy sa tama ang tamis,
Sarap naman
Yes sissy, mapapaulit ka
Girl. Patikim naman ng leche flan mo?
Tara na, may order ako sa nov. 1 kaso di ba ako Omu oo
Pede ba yan padala Mindanao?
Panis na sissy at durog pagdating, nasa luzon ako
Ay seryoso pa naman ako. Hahah. Bakit kasi ang layo natin. Hahahah
Oo nga e,sayang na sayang talaga
Nako okay lang. Sana mabenta mo yan lahat. Or omuo ka na. Sayang. Pero dapat kilalaning mabuti ang client ha. Kasi baka ma scam ka. May noisemate tayong na scam na
Favorite ko yung Leche Flan sis. 🤤
Naku sissy kung malapit ka lang may pa leche flan ako
ayos ang marketing mo sis hehe love it! cge sis 3 order sakin 🙃🙃
Yahoo! Thank you sissy,ahehe🤭
Para ngang tumatakbo ang oras sa sobrang bilis.
Kala ko oorder k ,hehehe