Kanariwan kapag Lunes abala ako kakalinis ng bahay pero dahil napagod ako noong mga nagdaang araw. Ang gusto ko lang ay magpahinga. Wala naman ang mga bata at si hubby kaya pwedeng mahiga lang maghapon,ahe. Yuhoo.. pangarap ng mga nanay na pagod yarn! Ito nga pala ang inuwi kong pagkain galing sa party party. May pansit pa sana at masarap na goto na natira kaso hindi na ako kumuha para may bitbit naman din ang iba. Ang dala ko na puto at dessert ay naubos naman, ang mahiwagang lalagyan na lang ang naiwan. Next month ulit may party party kaya mag iisip na ako ng dadalhin ngayon pa lang (advance ako eh)/ahe ,hindi, para handa na ako. Sa aming mga salo salo hindi kailangan na bongga ang dala. Walang kompetisyon sa amin mga bessie, sempre ang goal ng party ay "to enjoy" at hindi gawing kaaway si kapwa dahil bad yun. Nasan ang fun doon? Di ba wala? Gaya sa noise bawal ang nega dahil hindi nakakapagpasaya kaya sa aming party positive lang mga bessy. Mas na eenjoy natin ang samahan kapag ganoon. Kakainin ko muna itong pichi-pichi ng mag-isa,ahe. Good morning sa lahat!
2 comments
Nakapag sharon ka pala hehe, ang sarap niyan ah.
Samantalahin muna sis ang pagkakataon. Haha. Relax to the max.