Pagmamahal ng Isang Ama Maraming salamat sayo Dahil ikaw ang kaagapay ko Sa pagpapalaki sa munting regalo. Alam Kong Mahirap maging Padre de Pamilya Pero Sabi mo kakayanin para sa kanya. Kayod doon,kayod dito May maibigay lang na sustento . Ikaw ay naghahanap buhay Para Magandang buhay ay maibigay, pagmamahal mo ay walang humpay. Kung ako'y muling papipiliin Walang iba kundi ikaw parin, Ang tanging kong iibigan At habang buhay mamahalin . Kung makapagsasalita lang sana Regalo Saating kayganda Araw araw kang pasasalamatan Sa taglay mong kabutihan. Mahal na mahal ka namin Papa😊 Salamat sa lahat lahat.. Mother's Day pero alam Kong deserve mo itong mensaheng Ito. Goodnight noisemates.. Maraming salamat sa mga nagpayo at nag motivate saakin para maibahagi ang larawang ito.. Hindi talaga ako sumuko haha Dahil Sabi ko kanina MAHALAGA saakin ang Larawang Ito.. Thank you at naibahagi ko rin Ito sa gabing ito . #sarilingpaksa/myowncontent #myfamily❤ #ubbogriver📷OppoA37
1 comment
Napakaganda naman ng mga salita sa iyong talata.. patuloy mo rin gawin kung san ka magaling.. maging inspiration sa iba.. tama lng na ibahagi mo ang mga larawan na yan.. gandang gabi sis ;-) hugs