read.cash Log in
@caedengrey more from that month

Pictorial for Graduation is done. Bilib ako sa bunso namin.. Napaka tiyaga nyang mag-aral Dahil sa pangako nya sa mga magulang namin.. Kahit na ulila na kami Hindi kami pinapabayaan ng Panginoon lalo na sa Financial Problem Dahil kami kami nalang magkakapatid naiwan.. Sinisikap namin makapag Aral ang dalawa naming nakababatang kapatid.. Apat kaming magkakapatid Ako panganay nasa Isabela sila at Dahil Pandemya matagal ko na silang Hindi nakasama.. May message kapatid kong pangalawa Yung sumunod saakin Kailangan daw bayaran ang Pictorial Graduation ng Bunso namin.. Wala akong extra money.. Nakiusap ako sa teacher nila na pwede gayan ko ng paraan..pa attend nalang kapatid namin sa Pictorial at babayaran kapag nakahanap ako ng pwedeng hiraman.at pumayag naman teacher nila. Habang nag iisip ako Saan ako kukuha pambayad.. Naiisip ko sa isang Buwan ko pala dito sa Noise. cash may ipon pala ako na sasapat sa pambayad ng Pictorial sa Graduation ng bunso namin..and God's Provide talaga God is really Good. Kahit Wala na ako ipon ngayon Dahil ibabayad ko na.. At Wala narin pumapasok saakin Dahil isa ako sa 1% user na Hindi na makakatanggap ng Value OK Lang at least natulungan ko ang kapatid Dahil Kay Noise.cash .😊 Pero still Heto ako umaasang isang Araw magkakaroon ulit ng Halaga mga puso nyo saakin ..at makatulong ulit sa Mga kapatid ko Dahil ito lang alam kong paraan Hindi ako makapag Trabaho Dahil may baby pa ako walang magbabantay. At Hindi ko pwedeng iasa sa asawa ko ang Responsibilidad na naiwan ng mga Magulang namin sa mga nakakabata kong kapatid. Salamat sa pagbabasa at Congrats sa Bunso namin 😇

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.