read.cash Log in
@caedengrey more from that month

Malalaman mo lang talaga ang kahulugan ng bigat, Kapag ikaw na mismo ang nagbubuhat. Kung gaano nakakangalay ang bawat pag-angat— Kung gaano kahirap pasanin ito sa'yong balikat. Mararamdaman mo lang talaga na pagod ka na, Kapag hindi mo na matukoy ang pinagkaiba ng pagtulog at pahinga. Maraming nang inaalala— At palaging "ayos lang" ang sagot sa tanong na kumusta. Masasabi mo lang talaga na nasa reyalidad ka na, Kapag may mga labang tahimik mo nang kinakaya, Na ang pribado ay nangangahulugan na sa'yong payapa— Sariling bagyo, sariling pagkalma. Mauunawaan mo lang talaga ang kahulugan ng depresyon, Kapag napagdaanan mo na ang parehong sitwasyon, Na hindi madaling labanan ang iba't-ibang emosyon— Tanging taong handang umunawa ang solusyon. Kadalasan, Tanging yakap ng puso na handa kang intindihin at pakinggan— Ang sagot sa bigat na nararamdaman. Goodnight ☺️

22 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.