read.cash Log in
@caedengrey more from that month

Dear Self, Hindi Biro ang pinagdaanan mo , Dinanas mo ang Ilang beses na pagkabigo. Ngunit Pinili mong wag sumuko. Nagpatuloy kang sumubok Hindi ka nagpatinag, Hindi ka naging mahina , Bagkus lalo kang naging matatag. Dahil sa mga pagsubok na iyong hinaharap . Malayo ka na sa dating Ikaw.. Hindi ka na musmos na laging may dalang tanong .Kaya Sana makita mo ang iyong sarili malayo kana sa dating ikaw.. Malayo kana kung saan ka nagsimula ,kung saan naging mahina, lumuha, kung saan ka nadapa at kung saan ka bumangon. Malayo kana Kaya Nagpatuloy kalang kung nadadapa kaman bangon Lang.. Laban lang.. Makakarating kadin sa iyong nais na puntahan.. Yun at ang iyong minimithing PANGARAP.. ❤caedengrey❤ Magandang Umaga mga kaingay.. Salamat sa pagbabasa ng aking handog na paksa ngayong Umaga.. Naway naibigan nyo ito at gawing inspirasyon sa inyong buhay.. Wag tayo sumuko..dahil malayo pa ang mararating natin. 😊

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.