read.cash Log in
@buknoytanad

PANO AKO NAPASOK SA MUNDO NG CRYPTO? Magdadalawang taon na simula nung napasok ko ito. Quarantine under lockdown ang Pinas. Gumgamit ako ng coins.ph kasi tumutulong sa mga friends na nasa malayo lugar para mapakapagsend ng pera sa palawan, smart padala or kung ano avaiilable sa kanilang lugar. May nagemail may libre daw ako btc sa CPH ko ayun click. Pagpasok ko nalipat ang natitirang 3k ko BTC. Maingat ako pagdating sa online transactions ko sa email ganun din, ewan ko ba bakit itong email na to di ko chineck ang sender ng maigi. Siguro naexcite ako. Wala din kasi masyado na phising na email pumoasok sakin pag CPH kaya siguro di ko naisip. Nung na realize ko na nawala ang pera ko napunta sa BTC, nashock binalik ang 2.7k sa peso and nagiwan ng 300 pesos sa BTC. Dahil need ko magsend sa kaibigan. yeah kailangan nila ng tulong and pwede naman ako mkatulong. bahala na if babayaran ako o hindi. Malaki na siguro value ng 3k if iniwan ko sila lahat hahaha.. Pinablock ko muna account ko and pinareset password. It took me two weeks bago ko ulit nagamit. Then ayun nakita ko unit unit umaangat si BTC naging 500 na value nung 300 ko. Then dun ko naisip maganda ata crypto a. Pero takot ako kasi daming kwento ng nalulugi, naubos pera nila. Nung panahon din na yun dami ko nakiita online hustling gamit ang mga websites at apps so I tried them din pero madalas scam. If makikita sa socail media dami pumasok sa mga apps na to, kumita ang iba at yung iba naman naisip na wala sayang oras kasi hirap makuha ang minimum payout at tinamad na. Ayun saka ko naisip meron bang paraan para makakuha ng pera ng wala ka gingawa or ng libre using online. Sabi nila pwede thru online. Oo meron sidehustles madami kaso madalas pang ibang bansa lang. Nagresearch ako. at dun ko nakita ang Fauceting platforms like FP and EC. Dun ko naisip na yeah ito ata hinhanap ko. Makakuha ng Crypto ng libre. Wala ko idea ano sila. wala ko kakwentuhan about it para man lang makashare ng experience or pano magstart, kaya lahat kinakapa ko. Nakakatamad magipon ng barya sa totoo lang. Pero dahil madami an walang trabaho that time, hirap kumita kaya lahat ng online apps na paying daw pinpasok. Napaisip ako may way ba para magamit ko ang free time ko dahil nasa bahay lang nagtratrabaho at bored. Sa kadahilanan na to dun ko naisip, papatunayan ko na pwede ka kumita sa crypto ng walang pinpasok na pera dito. This has motivated me nitong pandemic and I will prove it. Dito nabuhay si Buknoy Tamad. Kumita ng walang ginagawa. Napaisip ako a tagal ko ng naghahanap ng pwedeng gamitin as journal ko about this. Siguro dito na yun kaya Sundan ang kwento ng journey ko sa mundo ng Crypto. hahaha... Magandang Umaga po sa lahat.

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.