Taon 2021. Pandemic. Bored. Hahanap ng gagawin.. Niyaya ako na tumugtog ng piyesa ng juan dela cruz band - kagatan. Sabi ko GO... problema tutugtugin ko sya magisa at vivideohan ko sarili ko.. hihihihi... kasi yung isa gitarista nasa nueva ecija, yung bassista nasa silang cavite, vocalista nasa australia, yung drummer nasa U.S. of A., at ako nasa Rizal. Ang hirap pala tumugtog ng ganun kailangan plakado mo ang piyesa.. di pwede gagawan mo na lan ng diskarte parang sa live... kaya kinalabasan.. magkaiba ng rhytmic pattern ang dalawang gitara parang out of sync sa drums madaming sabit yung part ko di ko na masyado inayos hahahah sabi ko kaya na ng edit yan problema matagal na di naggigitara biglang may ganyan.. hahaha kalawang di na rin plakado masyado.. at mahina na ang tenga.. hirap daw magedit ng video.. ang siste kasi lahat kami nagpasa lang ng part namin tapos bahala na.. wala ng ulit wala kung ano basta if ano pinasa mo yun na yun.. touch move.. dapat pala para syang recording sakto ang pasok, ang rythym at ang tugtog mo malinis walang sabit kahit ilang ulit mo sya ulitin para maging maayos ang tunog.. di pala kaya ng edit lang.. but it was a great experienec masaya. maayos naman konti ang tugtog pwede na samahan ng beer so mas ok sya pag medyo may amats na hihi.. . daming tawanan after mabuo ang video.. hihihi.. so ngayon tugtog naman daw ng eraserheads kasi may parang reunion ang eraserheads soon. hihihi we will see if mangulit sila why not.. so makinig at manood muna kayo mga kaNOISE - https://youtu.be/aRre_-rX-xQ
12 comments
Hahaha. Napanood kona yan before.. Sabi ko sa sarili ko. ah, sya pala ito..sya ito. Hehe.. Go lang go, tamang libang at jamming with the your friend's.
Hahahaa may ganun eksenan hahaha
Nice ang galing, iba talaga nagagawa ng tech ngayon. Naalala ko yung nag jam din kami nung pandemic. Bali may binigay saking susundan na version, tas chaka niya lalapatan ng instru. Angas din hehehe. Masaya yan, nakakatuwa rin hihihi. Gandang gabi!
Hehehe oo nga kaso hurap magaaral pa ng piyesa tapos paulitnulit ka pa rin hanggat makuha mo. Hirap pag ikaw lang. Magisa hihihih wala ba smaple ng record nyo
Oo pero masya din. Wala eh nasa fb yon hahah, ayoko mag baba ng link dito chaka ang chaka nakaka hiya hahaha
Ahahaha bakit naman maganda naman boses mo
Sayang naman pag gawa ko ng username ko dito tas ipag kakalandakan ko lang din identity ko. Joke hehehe. Eh madaming flat notes dun e pm ko gusto mo?
tagal naman ipadala hihihih
Ayan na heheh enjoy, sana di masira araw mo. Hahaha ay hindi pala talaga, kasi gabi na
Nayz, jamming session nga eh kaya expect mo nang me mga onting flaws... Buti kng recorded sa studio pwedeng i retake ng ilang beses Hanggang ma perfect. Kaw ba yung nag lead abs? Hanep umuusok😁
ay oo nga pala may bandista dito hihihihi..... nahiya tuloy ako.. yeah.. ako yun ewan ko ba sa nagedit at ginitna pa ko.. ihihihihi.. yeah..kalawang.. ang daliri.. hihihhi
Aba, ikaw nga ang star eh haha... Galeng galeng👏👏👏palakpakan😁 Rakista ang dating! Rock en roll to the World 🤘🤭