Kita ko lang to sa shinare na post ng student leader/top 1 marketing ng third year sa campus namin. The photos below is the original post and natatawa na lang ako. Hindi yata nila alam na may requirement para maging latin honor sa AU. Siyempre, una dapat wala kang 2.25 pababa. Pangalawa, dapat mameet mo yung units na required. So far, nameet ko yung standards nila. Medyo gets ko na rin bakit ayaw ako bigyan ng chance to land a part-time job. I think I need to focus first on my acads tapos isingit na lang yung upskilling. Mahirap makakuha ng uno sa university namin to be honest. Minsan kahit anong puyat mo, minsan 1.75 lang talaga kaya. Ranas na ranas ko to kasi partida, second to the highest ako sa exam sa buong AU. Tapos ang grade lang na nakuha ko, 76🙍.. Buti nga hindi ako nag-straight dos. May isa akong dos sa Law pero buti na lang hindi nag-2.25. Kung hindi, isusumpa ko si attorney HAHAHAHHAHAHA. Gusto ko rin magtransfer sa AU dati kasi iniisip ko yung tuition. Muntik-muntikan na haha. Pero ngayong third year na ako, wala na ako balak magtransfer. Malapit na ako gumraduate. "Siguro di nya naranasan man lang sumali sa academic competitions at di nya nalalaman kung ano ang performance ng AU." Siguro patama sa akin yung quote na yan. I think nakuwento ko na to dati yung nawipe out ng AU yung competition sa university na yan. Gusto ko sana ishare kaso may mga friends akong taga-CLSU eh (yung iba, mga alumni na). Takot rin akong ma-cancel joke. P.S. wala akong pinapatamaan, just sharing my point of view as an AU student Edit: naalala ko yung sa may lantern parade ba yon tapos may nagrate na AU student, galit na galit yung mga taga-CLSU tapos tawang tawa ako sa isa na nagsabi na "bagsakan raw ng mga bobo sa AU" like, hindi niya pa ba ako nakikilala??? feeling superior talaga, nakakainis
No comments yet