Malapit na ako makapag-enroll guys. Kaso medyo nag-bother ako don talaga sa gusto kong course. I took down my first and second choice noon kasi nga nawalan na ako ng kumpiyansa. And ngayon, stucked ako between Financial Management or Marketing Management. Hindi ko alam kung ano pipiliin ko diyan kasi medyo nabobother ako sa tuition. Kung Financial Management ang napili ko, kailangan kong panindigan yung school na papasukan ko. Wala kasi sa dalawang school na available rito na nag-o-offer ng ganoong course. Kung Marketing Management ang napili ko, pede na ako mag-transfer sa public univ rito pero hindi ko naman siya totally gusto. Gusto ko sana BSA noon kasi nga pasok siya sa traits ko kaso nawawalan ako ng confidence. Idagdag mo pa yung pagbagsak sa akin nung school na gusto ko. At saka, marami rin kasi akong nakikita na bumabagsak lalo sa mga exam haha. Medyo praktikal lang sa buhay. And also, marami ring nag-shi-shift doon kaya nagchange ako ng plans. Contrarily, heto ang tanong. Dream course over dream university? Or dream university over dream course? Wala naman kaso sa akin yung mga university since medyo magandang private school rin ang papasukin ko kahit di public. However, ang problema ko is yung gastos kapag mag-s-stay ako ng private ng four years. Kapag ba ginalingan and sinipagan ko sa college guys, malaki chance na makakuha ako ng scholarship? If gusto niyo magcomment guys ng advices, comment kayo....
4 comments
Good luck on your college journey! For me, mas pipiliin ko nalang ung dream course over dream university kasi di naman din magmamatter yan kapag maghahanap na ng trabaho. Nasa skills and character mo parin magbabase ang mga HR personnel. 😂
Yun rin ate pinili ko huhu baka kasi pagsisisihan ko sa huli hahahhaa
Maganda siguro Financial Management but depende pa din sayo kung saan ka mas makakahinga ng maluwag. Kung taga dito ka sana sa aming bayan, may offer na scholarship for incoming college student na gusto mag-aral sa private school.
Sana meron rin sa amin huhu. Ate @imanagrcltrst kung nababasa mo to, pahingi namana ng scholarship offers diyan hahahhahaa