Napascroll ako kanina sa Facebook kasi hindi ko alam ano ilalagay ko rito sa Facebook page haha. Yung ibang nakikita sa Facebook pages puro ka-toxic-an. Medyo na-o-offend rin ako minsan sa mga post about racism and body shaming like wth. Tapos may mga nakikita rin ako na mga scandals na pinagpipiyestahan ng madla. Yung iba naman basta may tsismis, go sila haha. Link nung page: https://www.facebook.com/profile.php?id=100068727046338 For affiliate purposes talaga itong page na ito, but I also need to create impactful posts and medyo nagsstruggle ako kung ano ilalagay haha. Plano ko rin kasi i-plan ahead lahat nung mga contents ko para hindi ako nagpoprocrastinate. So far, may mga ideas na ako kung ano yung mga ilalagay ko na walang toxicity. Ang goal ko sa page ko is hindi makisawsaw sa issues ng iba, mapa-political, cheating, betrayals, at iba pa. Hindi natin puwede iwasan yung mga issues na yan but I have this mindset na dapat hindi na natin pinapakealam yung mga bagay-bagay na alam mong hindi ka naman mag-be-benefit. Medyo nawawalan ako ng gana mag-blog since I always allot 1-3 hours (minsan mas matagal pa) just to produce a content. Antagal mong pinag-isipan pero walang nangyayari. I tried to make strategies like interacting more than five times a day, post in schedule, join in several prompts, try to make more mind-boggling topics pero wala. Okay sana kung occasionally lang nangyayari yon pero mukhang napapadalas. Dahil don, naisip ko na mas limitahan pagsusulat. Masuwerte ka na lang talaga kung napansin ka nung OCD Curator. Nacucurate lang ako nung Appreciator (high chance) kapag mataas yung curation ni OCD. Nagbasa-basa ako sa Telegram about don and sabi nung isang writer don bumaba raw talaga yung rewards non in general. Suwertehan lang talaga don haha. Sa Curangel naman, depende rin sa mga curators. Isa talaga malaking sana all sa mga na-onboard don. Mahirap kasi kung wala kang gaanong connection. Masaya rin kapag na-vi-visit pero minsan tatamarin ka na lang kapag walang nakabasa haha. Medyo nawawala yung appetite ko pero tuloy pa rin.
No comments yet