Minsan matutulala ka na lang kasi andami mong ginastos eh no haha. Anyway, puro school stuffs lang naman yung binili ko tapos muntikan ko pang makalimutan bumili ng filler notebook takte. Nakakabudol kasi halos free shipping lahat tapos alam kong kailangan na kailangan ko rin. Bale ang poproblemahin ko na lang yung share ko sa bill namin sa kuryente saka tubig na worth 256 pesos. Buti na lang talaga at may ineexpect akong pera kasi patay kung nagkataon! May tiwala naman akong babalik at babalik rin binili ko diyan kasi may times na mabenta tapos may times rin na hindi. As long na alam kong magagamit ko in the long run, hindi ako nanghihinayang!
No comments yet