Nakakainis talaga. Yung tipong nag-e-exercise ka tapos may mga asungot sa paligid. Tawag sila ng tawag eh ako naman puro mamaya lang ng mamaya. Hindi ko na lang pinapansin. Nakakairita na hindi man lang nila ako bigyan ng peace. Nawalan na ako ng mood i-continue to kaya nakakainis. Lahat na lang ng trip ko sa buhay, pinupuna nila haha. Minsan talaga sinasarhan ko na lang sila ng pinto kapag bad trip na bad trip ako eh haha. Hindi na lang ako umiimik at nakakainis rin kasi. Masama bang maging physically active haha. Ang hilig hilig mamuna kaya huwag silang magtataka kung lagi akong nanahimik kasi puro sila dada.
1 comment
Heheh, ganyan din ang anak ko, panay push up sa kuarto nya, pa abs daw kasi sya. Kalma lang,ang puso mo 😊