Nakakahighblood ngayong gabi. Eh pano naman kasi, si Mama pinipilit akong mag-Face to Face eh ayaw ko nga. Iniisip ko kasi yung gastos sa pamasahe since mahal nga ang gasolina, Idagdag mo pa yung baon ko tapos di pa ako makakapag-grind ng maayos. Gusto yata lagi nila ako nahihirapan financially eh. Ilang araw lang naman kasi sa isang linggo yung pasukan tapos ni down payment ko don sa college university na yon di nila maambagan. Sinabi ko nga sa kaniya na kung down payment pa nga lang sa school na balak kong pasukan, wala siyang maibigay pano pa kaya yung allowance ko sa face to face. Masyadong mahal especially medyo malayo-layo yung school. Nakakainis kasi namimilit. Ang point niya raw para matuto raw akong bumiyahe, amd hindi nanghihinayang sa pwede kong magastos. Grabe kasi guys kasi nasa private school ako mag-a-aral tapos gusto pa nila magdagdag ng gastos akala naman nila may mga pera silang pampaaral sa akin. Yung graduation and sablay ko nga noon, di nga sila nag-ambag pambayad eh. Tapos halos lahat ng aksyon ko rito sa bahay kailangan may ambag ako like yung bills. 1k lang binibigay tapos di na ako nagrereklamo kung umaabot madalas ng 1.3k Medyo nakakabuwisit yung masyado si Mama nag-pa-pa-influence sa mga relatives ko na galante. Nakakawala ng gana, nakakaasar. Ang point ko lang kasi kung yung mga fees sa school, di nila mabayaran magdadagdag pa sila ng expenses sa travel cost. Of course, hindi naman ako pwede maging pulubi don kaya kailangan ko rin ng baon. Okay sana kung lahat ng gastusin kaya nila bayaran eh. Ngayon pa nga lang, nakikita ko na kung ano yung magiging outcome ko eh. Sa kinikilos nila, parang gustong gusto na nila butasin yung wallet ko. Gigil na gigil talaga ako, Sorry, napahaba.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Grabe naman yan? Taga saan ka ba at gaano ka layo bahay niyo sa university? Explain mo sa kanya eh na ganun mapapagastos ka pa lalo.
Ayaw yata nila ate na mahirapan sila gusto nila yata wala na silang gagastusin sa akin hahahhaa
Maganda naman nga sana ang point ng mama mo mate pero kung hindi rin lang nga nila mapprovide needs mo sa school ikaw din mahihirapan.
Nagpalabas ng hinanakit. Go lang para kahit papano mabawasan ang sakit o bigat ng damdamin.