Medyo perfect timing yung pag-power down ko ngayon skl haha. Wala na kasi akong cash (almost wala na) kaya napilitan ako magpower down. Medyo maganda ang market and sana ganahan na ako magsulat. Medyo nawawalan kasi ako ng gana sa bagay-bagay lols. Instead na mafrustrate, nag-focus na lang ako sa mga academic workloads ko. Kasi kung tutuusin, mas worth it pa pagtuunan ng pansin yung mga pinagbabasa ko kasi expected mo na maganda yung outcome pero kasi sa mga earning sites, medyo nasa bingit lols. Ginawa ko yung night routine ko ng medyo maaga kasi balak ko magfocus ng matindi sa modules ko haha. Medyo malapit na ako matapos sa isang subject na kinakabisado ko tapos mamaya, imamaster ko naman yung mga term and formulas sa math in modern world namin. Maganda sana maaga magising para mag-exercise and makagawa ng maraming tasks pero iniiwasan ko kasi yung breakfast. Bihira na lang rin ako mag-update rito kasi medyo waste of time rin. Hindi ako nawawalan ng gana magpost rito since naging part na siya ng life ko, but I need to lie low kasi mas inuuna ko priorities ko. More on personal diary ko na lang siya. Buti na lang talaga at may mga side income ako kahit papano.
2 comments
Di ko pa talaga alam anong ibig sabihin ng Power Up at Power Down. Di ko nga alam paano mag withdraw ng earnings sa Hive.
power up = increase vote value and resource credits power down = decrease vote value and resource credits tanong ka te don sa hive ph kung paano magwithdraw kasi sa pagkakaalam ko icoconvert mo yung HBD mo to HIVE or pede ka naman magpowerdown (not recommended) para mas tumaas pa yung iwiwithdraw mo na HIVE