read.cash Log in
@boringwriter more from that month

Medyo naninibago ako ngayong nag-a-aral ako sa private school. Ganito kasi yung eksena kasi sa mga classmates ko. Yung mga kaklase kong babae nagkukuwentuhan about sa upcoming trip nila sa Coron, Palawan. Tapos last Friday, nakuwento niya yata kung ilan kinikita niya per month. Tapos yung kaklase namin na tatlong lalake, nagkakapatid sila and sabay-sabay silang BSBA. And yung sa likod ng pinsan ko, naka-iPhone 13 na red tapos angas ng shoes. Then suddenly, may pumasok na kaklase ko and tinatanong yung GC namin sa BAM. Nagulat ako kasi naka-white siya na iPhone 13. If you ask guys kung bakit ko alam yung unit ng phone nila, sinearch ko sa Google lalo na yung pagkakaayos ng camera nila. Mas salute ako sa dalawa kong kaklase na babae kasi nagpatuloy pa rin kahit medyo nasa 20 and 30 plus na sila. I am lucky to have the school na pantay ang trato nila sa amin and hindi lang nakafocus sa mga best. Kung puwede lang hindi pumasok, di ako papasok eh. However, may attendance and mas naiintindhihan ko yung lesson kapag face to face. Ang wish ko lang sana na lahat kami maka-graduate at walang iwanan. I let go my dream course over the easier one kasi goal ko gumraduate on time. Ayaw ko madisappoint nga taong nagpapaaral sa akin no.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.