Naalala ko dati na lagi ko sila inaappreciate sa noise.cash dati. Favorite ko kasi yung mga performances nila sa ASAP. Lagi ko talaga minamanifest na sana sumikat sila. Feeling ko naman sobrang sikat na nila sa Pilipinas after nila magdebut two years ago. I witnessed how much they grew talaga and I'm very proud of it. Sabi ko sa story ko two years ago, soon sisikat sila with song na "Born To Win - Japanese Version." Buti na lang nakuha nila yung genre na para sa kanila. Ang prob kasi bat nadelay silang sumikat is mas pinili ng management nila na magfocus sila sa powerful concept. Their debut album is very experimental and parang ginawa yon para malaman nila kung ano yung magkiclick. Yung song nila na "Na Na Na" is sumikat pero yung name na BINI is hindi pa ganong naclick. Yung first mini album nila is may kanta rin na nagclick, specifically yung "Huwag Muna Tayo Umuwi." Hindi pa alam ng tao non na sila kumanta non. Yung first EP song nila, don na sila nagfocus talaga sa Bubblegum Pop kasi yun ang gusto ng masa eh. Una nilang release is Karera and parang yun lang ang fully promoted. Sayang lang yung Pantropiko is di masyado pinromote ng BINI (alam kong di nila masyado napromote kasi wala silang mga covers). Sumikat siya una dahil kay Sheena kasi siya nagcover. After niya nirelease yung demo, naghit siya bigla pero di pa kilala BINI noon. Mahaba tong post na to kasi matagal na nila akong tagasubaybay. Then one time, may nagtetrend na lang na mga vids lately about their kanal humor tapos yun yung parang naging way nila para sumikat. This time, hindi na yung kanta nila ang sikat. Sila na mismo. May domino effect siya siyempre. Sobrang successful ng first EP nila lalo na ngayon yung Salamin, Salamin. Wala lang, nakakaproud lang kasi alam kong may isisikat pa sila. Sana makapagproduce pa sila ng pop songs kahit hindi na bubblegum. Versatile ang music nila tapos yung humor nila is bumebenta (sana walang mangyaring issue) kaya feel ko kaya nila ipenetrate ang market.
No comments yet