Yung feeling na may 200 ka pala sa isa mong PayPal account. So ayun blessing after being magastos ko every F2F. Anyway, feel ko magiging last ko na yon kasi sa susunod, gagawa na ako ng sarili kong chocolate drink. Medyo may addiction rin kasi ako sa chocolate drinks especially it helps me to digest all the info na kailangan ko. Kanina nung pauwi kami, nakasabay ko mga blockmates ko na mukhang papuntang galaan. Di ko kasabay pinsan ko non kasi nag-McDo ako haha. Kuwento ko siya next time. Anyway, tinanong ko scores nila tapos sabi ko 36 lang ako. Tapos medyo natamaan ako sa part na ni-la-"Lang" ko lang yon. May nanghingi rin sa akin kagabi ng reviewers sa accounting and thankful siya kasi raw pumasa siya haha. Medyo nag-flutter ako ng light kasi kinita ko lang yon and may mga natulungan rin ako. Sana sa midterm tumanggap pa sila ng documents and magiging willing ako na tulungan sila kapag need nila ng ganon. But of course, need ko pa rin ibenta yon no. And saka pala, may aasikasuhin pa akong isang exam sa NSTP haha. Feel ko ako na naman ang magiging leader.
No comments yet