read.cash Log in
@boringwriter more from that month

Grabe nakakagana mag-aral at mabuhay sa mundo haha. Kami lang daw binigyan ni @Cedric1208 ng graduation gift, and di ko in-e-expect na ganito kalaki. Instant Php. 5,000 wohoo. Huwag raw namin to sabihin kasi kami-kami lang raw nakakaalam. Sa clan kasi namin, tatlo ang gumraduate sa SHS kabilang na yung pinakamatalino niyang anak. Overexaggerated pero yoon ang totoo. Buti di ako cinoconpare ng parents ko sa kanya, minsan lang. Iba iba kasi ang intelligence and diligence ng isang tao. Di ko rin masyado in-e-expect kasi under Php. 1,000 lang binibigay dati. Sana may additional sa With Honor pero di na ako manghihingi. Wag na masyado makapal ang mukha. Ramdam siguro ni Lord lungkot ko kaya may blessing na dumating. Yiee, thank you Lord kahit Tita ko ang nagbigay. Parang kanina nawawalan na ako ng pag-asa mabubay sa mundo eh no😂. Sa Friday pagpatak ng 8AM yung mismong graduation namin kahit online lang. Napagdesisyunan namin na manood sabay-sabay kila lola. Tapos sa Sabado, may lunch raw. Sana Jollibee haha. Medyo blessing yung ganitong gifts outside the world kasi medyo na-di-divert ko yung loneliness ko sa mga bagay-bagay.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.