Naaawa lang ako sa Tita ko kaya ngayon pa lang ako magrereview haha. Tanong kasi siya ng tanong kagabi kung matutulog na raw ba ako kasi nga feel ko di siya komportable. Lahat talaga kami nag-a-adjust. Hindi naman ako masyado makapagreview kagabi kasi nagpasa ako ng dalawang practical exams (PED 025 and ART 002) Therefore, natulog na lang rin ako ng maaga (1 AM na non pero maaga pa rin siya for me). Ang hirap naman mag-adjust lalo na andaming gagawin. Dapat kanina pa ako nagsisimula, yung tita ko naman kasi ubod ng sipag haha. Kakatanggal niya lang yung punda ng bed namin kasi lilinisan niya raw. So ayun, malinis na naman kuwarto namin. Yung Papa ko naman kulit ng kulit sa order niya na mini fan. Andaming distractions rito sa bahay haha.
1 comment
kaloka po talaga kapag sa loob ng bahay setup ng pag-aaral. kahit din po rito ang daming distractions kaya hindi ako makapag focus.