read.cash Log in
@boringwriter more from that month

Grabe antaba ko talaga haha. Ito yung kuha namin kanina habang kumakain sa Jollibee. Andami kong kanin na natibag haha and hindi ko na sinama family ng pinsan ko. Yung spicy pinili ko sa bucket pero hindi naman maanghang at napakaliit. Tapos yung mini sundae nila parang sabaw sa sobrang pagkalusaw. So ayun, tinabi ako sa Lola ko at puro pangangaral natanggap ko. Tinatanong din nila kung kamusta na raw Papa ko na na-stroke, and ang sinabi ko na lang ay improvements. Naalala ko kanina tinatanong ng Lola ko bakit ko raw laging pinapalayas kapatid ko sa bahay. Ang sabi ko wala naman tinutulong don and ang alam niya lang ay magbukas ng tubig. Tapos pagkarating, cellphone lang ang aatupagin tapos uuwi lang siya kung kelan niya gusto. Buti nga sumama siya kila Mama kasi lagi kaming magbubunganga. Maghihintay lang ng pagkain tapos after kumain, cellphone at tutok na sa electricfan di naman nagbabayad.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.