Until now, hindi pa rin ayos yung Grammarly account ko. Ilang days na kasing ganyan huhu although alam ko naman na di ako tinakbuhan ni seller. But still, ginagawan pa rin ng paraan and konting days na lang ay mag-e-expire na account ko ron. Magrerenew na lang ulit ako sa susunod or mag-i-iba ako ng plan para sure ball na wala masyadong issues. Supposedly, dapat magpapractice ako na magsulat ng mga welcome emails kahapon kasi yung Thursday and Saturday is nakalaan talaga ron. However, di pa ayos yung account ko kaya cinancel ko na lang. Narealize ko na lang na mas maganda kung icancel ko na muna tapos nag-review ako in advance para sa CFE. Minamaximize ko lahat ng time na available ko para hindi ako masyado nahihirapan.
1 comment
Ingat ka sa mga nagbebenta ng premium accounts na third party tulad ng Canva and Grammarly... lalo na pag masyadong mura