Two years ago, I failed to secure a slot on my dream university and course. Gusto ko sana mag-try sa isang malapit na university rito kaso tapos na pala exam nila. Late ko na siyang nalaman. Sobrang nanlumo ako non kasi hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Wala na kasing state university na puwede kong pasukan. Wala tuloy akong choice kundi mag-private. Nung nasa private na ako, unti-unti kong na-realize bat nangyari yon sa akin. - Hindi ko masyadong ma-e-enjoy college life ko kung four days per week class ko. - Hindi ako magiging consistent dean's lister kung natuloy ang pagiging BSA ako. - Hindi ko mararanasan manalo sa isang regional quiz bee competition kung nakapasa ako sa dream university ko. Just realized that everything happens for a reason. Sorry kung napa-share ng medyo slight... Popost ko sana to kaso ayaw ko magmukhang mayabang
No comments yet