I'm happy that I can simply share a help on my referrals. Mas madali pa lang magpaliwanag sa willing matuto kaysa sa napipilitan lang. Tinanong ko kasi si @KaeceM kung ilan na ang kinita niya at para ma-send ko na sa GCash account niya hehe. And then, nakita ko na naka-$1 na earnings niya rito, at inalok ko if pwede niya bang i-send sa akin yung earnings niya sa bitcoin.com ko. Sinabi ko sa kaniya yung procedure, and binigay ko yung address ko sa kaniya. Gaya ng ipinangako ko sa kaniya, i-se-send ko rin yung earnings niya sa GCash. Siyempre, tuwang tuwa siya kasi nabayaran siya. Keep it up po. President namin siya sa section namin. May bago akong referral. Her username is Ate @Maryrose26. Di ko alam kung ano ang tatawag ko sa kaniya pero asawa siya ng pinsan ng Papa ko. Hindi ko in-e-expect na may pamangkin na pala ako haha. Hanggang ngayon, di pa rin siya nag-re-respond kung ano ba ang relationship namin. Mukhang need ito ni Ate Rose kasi may sakit yata yung anak niya sa puso, or nagpa-heart transplant. Di ko alam hehe, pero sabi niya ay pang-gatas raw. If they earned decently here, I'm sure that it will help them financially. Ang hirap mag-post ng Tagalog guys. Nakakapanibago. Balak ko sana sila i-refer sa read.cash pero mukhang hindi na muna. Baka kasi hindi nila masunod yung rules haha.
No comments yet