read.cash Log in
@boringwriter more from that month

Okay na pala yung sa may GCash sa TikTok. Sabi ko kanina sa sarili ko, magiging productive ako kaso halos puro hilata lang ginawa ko. Nakuha ko na yung peak ng productivity ko kasi fully energized na ako tapos sabi ni Mama pupunta raw kami sa Jollibee kasi with honor yung Grade 1 kong kapatid haha. Hayst bat ako nung nsa DL ako, congratulations lang natanggap ko joke. Napabili ako ng book para sa mag-ni-nineteen kong beshiewap. Balak ko talaga to nung debut niya kaso di ko nafulfill. So ayun, parang late debut gift ko na rin sa kanya and parang serve of gratitude sa lahat ng kindness na ginawa niya sa akin! Medyo mahal na siya for me, but I hope yung gift na yon is maiapply niya sa sarili niya just like how those books influenced me as a human being. Sobrang influential talaga sa akin ng book na yan! Na-approve na rin pala yung application ko sa UnionBank haha. Gagamitin ko sana yon sa pagwithdraw ng commissions ko sa TikTok kaso naayos na pala. Okay lang rin kung sakali as it means na may dalawa na akong Bank Account. Maganda sana yon kaso medyo hindi ko lang gusto yung fee nila sa debit card na 45 per month or 500 a year. Buti pa sa GCash 300 lang tapos umaabot na ng 1-2 years. Balak ko pala magtingin tingin ng sleeping eye mask kaso wala pala akong extra na pera. Nakadagdag rin sa pagkasira ng productivity ko yung nageexpect ka na macucurate yung blog mo tapos di pinansin haha pero malay mo maihabol bukas. Naischedule ko yung dalawa kong blogs nung isang araw kaya sa Friday na lang yung next na pagsusulat ko! Kala ko napost na to pero nacurate rin kahit maliit lang.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.