read.cash Log in
@boringwriter more from that month

Rest in peace Dos! Thanks for all the memories! Mamimiss kita! Sana all maganda gising. Kahapon kasi yung aso namin na 'to, ayaw kumain, naglalaway, at nagpupoop ng dugo kahapon. Di rin siya kumain ng mga two days. Gusto ko sana siya ipa-vet and bilhan sana ng emergency na gamot. However, anong oras na kasi non tapos ang best choice ko lang ay iuwi sa kapatid ko para maalagaan nila kahit papano. Tapos ayun pa rin raw kumain. Then paggising ko, don ko nalaman na patay na pala siya. Nilibing na raw siya and feel ko di ko kakayanin kapag nakita ko mismo siyang nililibing. Grabe naman itong sunod sunod na masamang balita. Mamimiss ko yung ambience ng bahay na nandyan siya. Mamimiss ko yung pagiging bibo niya. Feel ko hindi para sa akin ang mag-alaga ng ganitong alaga. Buhay pa naman yung first dog namin, don na lang muna ako magfofocus. Thank you Dos sa six months na pagbibigay saya sa amin. Binili ko lahat ng pangangailangan niya. Sardinas, tali, dog food, atbp. Feel ko talaga hindi kita naalagaan ng mabuti kasi feel ko may masama siyang nakain. Lagi niya kasing pinagkakain yung bato na pinagtatabunan ng poop niya. Di lang talaga ako mabuting amo siguro, pero ginawa ko lang naman best ko. Mas hindi ko alam kung anong mangyayari kung mamatay si Primo. Grabe siguro hagulgol ko.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.