Familiar ba kayo sa scene na ito? Alam niyo ba na ito ay isang reenactment na Korean Drama Series na Start Up? Recently, naglabas si GMA ng isang behind-the-scene ng Korean Adaptation kung saan pinakita ang ilang scenes na tinutunghayan nang mga bida. Okay lang naman sa akin yung mga nabago na scenes kasi nga nasa Pinas tayo. Medyo natawa ako don sa "Three Sons Tech" na ang original ay "Sam San Tech". Okay lang naman yung business nung lola ni Dal-mi don kasi nga nasa Pinas tayo eh. Kaso ang problema lang sa akin yung ibang characters, feel ko kasi sirang sira yung pagkapanabik ko kasi antatanda na nung casts. Di ko gusto na si Bea Alonzo bilang female lead kasi mukha na siyang Tita. Magaling siyang aktres, pero feel ko dapat mas bata yung gumanap sa kaniya eh. Tapos ang sabi-sabi, si Alden raw makakatuluyan niya, at ang pagbibidahan niya ay si Han Ji-Pyeong (Tristan Hernandez). Sirang sira na tuloy yung expectations ko. Hindi ko rin gusto yung magiging Lee Chul-San sa series pero nung nakita ko yung gaganap na Jeong Sa-ha, pwede na siguro haha. Ang galing kaya umarte ni Kim Domingo at isa sa mga best decision na tinanggap niya yung role haha. Not a hater of GMA, pero di ako masyadong mag-e-expect ng maganda rito sa series na ito. Kahit na medyo disappointed ako sa cast kasi mukhang di papatpok. Trying to be neutral lang po ako. Anyway, read these articles from GMA for more information. https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/15656/in-photos-behind-the-scenes-of-start-up-ph/photo/208450/lola-ligaya-and-dani https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/15398/in-photos-meet-the-star-studded-cast-of-start-up-ph/photo/204696/kim-domingo-as-stephanie-rios-jeong-sa-ha
1 comment
WAHAHAHAAHHAAH HINDI TALAGA AKO FAN NG GMA😂