Ang hirap kumota. Naghahanap na ako ng potential buyer para mafill ko na yung 2,500 worth of gross revenue haha. Nagtatanong tanong na ako sa mga kakilala ko para matapos na tong paghihirap ko haha. Keri ko naman mag-abono, basta wag puro ako. Hayst hirap magbenta mga bii haha lalo na kung di naman talaga aligned yon sa goal mo talaga. Wala talaga tayong choice! May little argument pa nga ako ng ex-classmate ko about sa credit rito sa PC haha. Sabi nila 30 days raw dapat magamit muna bago mabigay item since ganon raw mostly sa kanila. Siguro pede yon kung kapitbahay mo eh medyo malayo layo yon, okay sana kung di ako manghihinayang sa pamasahe. Marami rin pala nag-P-PC sa kanila kaya ayoko na bentahan. Okay lang naman kung sakali. Si mama kasi PC Dealer na rin kasi kaya dami niya na rin na PC Products. Mostly kilala ko is alam yon haha. Hirap kasi magpautang lalo na kung di mo talaga kilala.
No comments yet