VOTE WISELY! Sa panahon ngayon, laganap ang mga buwaya at mapagpanggap. Hindi lamang natin sila nahuhuli sa akto, pero mukhang alam niyo na ang gusto kong maipabatid. Sa aking pananaw, ang mga nakaupo sa Kongreso sa kasalukuyan ay parang ahas na mapang-akit at mahilig magbalat-kayo. Sa una, maganda ang kanilang mga adhikain bago sila maupo ngunit kalaunan ay hindi naman ito maisasagawa. Kaya naman, kailangan nating maging mabusisi sa pipiliin nating kandidato, at kaya natin patunayan sa sarili natin na hindi lang sila puro salita. Ngayong nalalapit na ang eleksyon, marami sa atin ang nakakapansin sa kabi-kabilang pangangampanya sa iba’t ibang mga pamamaraan. Gaya ng iyong naririnig sa kalsada, marami sa mga kandidato ang nagpapatugtog ng mga maiingay na tugtugin para isiwalat sa komunidad kung sino nga ba ang dapat nila iboto. Ang iba naman sa kanila ay nagpapakalat ng mga posters na nakasaad ang kanilang pangalan, at kung ano nga bang pangalan ang dapat nating i-shade. Mayroon rin naman sa ibang kandidato ang nagbabahay-bahay sa gitna ng pandemiya para lang makakuha ng simpatiya sa ibang tao. Sa dinami-dami nang mga tatakbo sa pamahalaan, hindi natin alam kung sino ang totoo at kung sino ang huwad. Sa katunayan, marami sa mga tao ngayon ang mahilig magpakalat ng paninira sa ibang kandidato kung hindi nila ito kapanig. Ang iba sa kanila ang mahilig mangalap ng fake news, o iba pang katiwalian na nagdudulot ng karahasan at lumot sa relasyon ng karamihan. Sa kabilang banda, ang iba sa mga kandidato ay namimigay ng salapi sa mga botante kapalit ng kanilang boto. Kung ikaw ang tatanungin, ipagbibili mo ang iyong boto para sa kinabukasan ng sambayanan? Kaya naman sa paparating na eleksyon, hinihikayat ko kayong bumoto ng may angking talino at kaalaman. Huwag kang magpadala sa mga fake news online. Huwag ka lang basta-basta maniwala sa pangako nila kung alam mo sa sarili mo na hindi sila ang nararapat. Alamin ang tama, at huwag na huwag magpapadala sa fake news. VOTE WISELY! --- Sa tingin niyo, okay na yan for paghihikayat na talumpati? Ang tanong, paghihikayat na talumpati ba ito? Hindi ko na sinama yung panimula kasi nakalagay yung name ko don haha. Mamaya ko na siya i-fi-film, need ko muna magcharge ng cellphone. Apparently, need ko rin maligo kasi gusto ko naman maging presentable kahit sa video man lang. Hindi ko alam ung bakit ang daming essays eh hindi naman ako HUMSS student. https://www.google.com/search?q=balota&oq=balota&aqs=chrome..69i57.1366j0j4&sourceid=chrome-mobile&ie=UTF-8#imgrc=6P962ipTdZrM7M
No comments yet