May naalala ako nung Grade 9 ako rito sa post na ito, skl. Yung Math teacher talaga namin nung Grade 9, medyo masungit talaga. Hindi siya considerate, and deadline is a deadline. Naalala ko kasi na akala ko, hindi isasama sa envelope yung notebook kaya walang scores haha. Nevermind. Alam mo yung konting kasalanan mo lang, magiging hindi na okay ang klase? Suddenly, naalala ko noon na dahil sa sobrang ingay nung klase, napunit niya lahat ng papel ng section namin. Medyo tumatak lang siya sa isipan namin dahil nga sa pagiging passionate niya as a Grade 9 chairman, at naalala ko na lagi siyang galit sa mga pasaway sa room. Additionally, naalala ko rin nung pinabuhat niya yung upuan sa kaklase naming lalaki dahil sa katigasan ng ulo haha. Pero, hindi ko sinasabi to kasi masama siyang guro, but she just want to educate us. May pinalipat na rin siya na estudyante sa section namin dahil sa pagiging sira ulo haha. Close nung kapatid ko yung kapatid niya, skl. Aside from her physique as a good model, she's also generous too in terms of printing papers. Napakagaling rin niya magturo, and that's the reason why I love Math when it's still face-to-face classes haha. Love ko pa rin siguro yung Math kung di lang naging boring due to the pandemic, hayst. Anyway, libre lang siya magpabigay ng mga long quiz sheets, at medyo average lang sa akin yung mga exam noon. I mean, lumalagpas naman sa kalahati mga scores ko (pasang awa, ganon). More than that, nagbibigay rin siya ng certificates sa Top 5 sa nagiging klase niya at may inclusion pa na medal sa makakaabot ng Top 3. Math is life pa talaga noon eh kaya ako nag-ABM pero hindi ko lang alam ngayon kasi wala nang nagtuturo kung hindi ang sarili ko lang. Sa klase niya sa amin dati, ito yung naging stats ko. Proud to be lol. 1st Quarter - Top 3 2nd Quarter - Top 2 3rd Quarter - Top 1 Sayang lang at pinili niyang maging hands-on sa anak niya haha.
No comments yet