Nakakapagod kanina. Ito nga pala scenery kanina sa sakayan namin sa XLT pauwi rito. Grabe kapagod rin at balak ko maligo after ko ipost to kasi nga naambunan ako. Nakakapagod lalo na bukas kasi nga 8:30 PM na ang labas namin. Gusto ko sana ishare kaso sa kabila na. Ewan ko ba kung bakit topic about sa buhay namin yung sa NTSP. Ganon ba talaga yon? Kasi nga kanina nagtanong si Maam sa akin kung ano nga ba yung pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Siyempre ang sinagot ko yung hindi ako nakapasa sa CLSU. Tapos ayun, di ko ineexpect na magkukuwento si Ma'am about her struggles hanggang sa makatapos siya. Ewan ko ba kung bakit niya sabihin edad niya haha.
No comments yet