read.cash Log in
@boringwriter more from that month

Sana talaga matagal ko na ginawa to. Isa lang in-apply-an ko tapos confident ako noon kasi sabi nila konti lang kumukuha non and confident ako noon kasi antataas ko sa math. Meron rito na public university kaso isang oras yung biyahe. Late na ako sa balita na may exam pala which I thought na last two minutes sabi ng isa kong virtual friend. Pinagsisihan ko kung bakit hindi ko ito ginawa kasi yun na lang isa kong chance na makapag-aral ng libre. And sa current private university ko ngayon, nagpapa-exam rin sila for discounts. Hindi ko rin alam yon kasi masyado ako nagpalamon sa depression (I'm physically tough but mentally and emotionally stable) kapag naalala ko lahat ng efforts na ginawa ko lalo na nung last year ko sa SHS. Masaya na ako sa private university na pinasukan ko ngayon kasi yon ang the best sa lahat. I hope na makasama na talaga ako doon sa UniFast para makatipid sa tuition. Ang iniisip ko kung bakit hindi ko yon ginawa ay sa kadahilanang libre, makakatipid sa pamasahe, at pangarap sa akin ng parents ko yon. Eh grades lang ang basehan kaya walang kuwenta talaga pagbubuti ko last academic year haha sorry sa mahabang status. Edit: Nagtry rin ako na magpasa ng Letter of Reconsideration kaso wala eh. Siyempre mas focused sila sa mga nasa waiting list. Pinost ko to kanina sa Facebook wall ko, and lalo akong hindi nakaka-move on kasi mother ko tanong ng tanong kung mag-shi-shift ako para raw lumipat ako. Masyado malaki impact sa akin nung hindi ko pagpasa kaya wala akong plano. https://www.facebook.com/photo/?fbid=1345249835904809&set=a.358432361253233

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.