read.cash Log in
@bmjc98 more from that month

My Jeepney Story Here's my English version: https://read.cash/@bmjc98/my-unforgettable-jeepney-story-7885a367 January 2014 to nangyari based sa pic na nakita ko sa FB ko. Sumakay ako ng jeep papuntang work. Nasa pinaka gilid ako nakaupo tas me katabi ako babae tas me katabi siya na lalaki. Yung lalaki panay pa sulyap sulyap sa akin. Akala ko nga crush ako or na cucutan sakin. Haha. Pero deadma lang naman ako. Nung bumaba na si babae so kami na mag katabi. Ako naman, busy kakatitig sa bintana dahil malapit na sinulog nun at marami ng mga tindahan sa gilid gilid. Nung bumaba na si lalaki, kunti na lang kaming natira sa jeep. Ilang minuto nun, dumating na ako sa destination ko. Nilagay ko bag ko sa locker tas naalala ko bigla, need ko pala wallet ko. Pag check ko sa bag, wala na dun. Nagulat ako and kinabahan. Chineck ko ulit tas ayun na, nakita ko yung butas sa gilid. Yun pala nalaslasan ako. Aw, bag ko pala. So ayun, na realized ko, hindi pala siya nacucutan sakin, busy pala siya kakalaslas ng bag ko. Nakuha niya pitaka ko na me lamang 300 php plus mga ID ko. Pero happy ending pa rin dahil hindi ko nilagay yung 10k na cash ko. Nakatago kasi siya sa artificial leg ko. Oh diba. Wais to noh. Plus, me nakakita ng Wallet ko na tinapon lang din sa jeep so lahat ng ID ko nakuha ko na.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.