read.cash Log in
@bmjc98 more from that month

Flex ko lang bago kong client na akala ko di matutuloy ang work ko sa kanya. Nag send kasi to ng invite pero after ko ni replyan, sinabihan ako na icacancel na lang niya dahil yung gagawa na lang ng job is kung sino gumawa ng Page niya sa Wikipedia. Ako naman, okay lang sakin since kasama naman talaga yan sa work ng editor ang pag add ng picture. Pero nagulat ako nung minessage ako ulit at tinanong if magkano bayad ko pa review ng page niya at pag add na rin ng photo niya. So ni rate ko naman ng $30 kahit actually madali lang mag add ng pic. Tapos nakita ko page niya naka Orphan ang tag. This means na walang ibang Wikipedia articles na related sa page niya. But when I checked, meron naman pala. So ayun, I offered to remove the tag for another $30. Again, madali lang mag remove ng orphan tag. So nagulat ako naka hourly pala yung invite niya sakin at dahil $60 ang rate ko sa dalawang task, naging $60 din yung hourly. Pero dahil $60 lang talaga sinabi ko, so isang oras lang winork ko. Buti na lang inoffer niya sakin na ako na mag aadd ng ibang content niya. Marami pa kasong dapat ilagay kaso kunti lang yung inuna ng previous editor niya. Sobrang happy lang dahil eto yung pinaka malaking hourly rate ko ever. At dahil marami-raming update ang gagawin ko sa page niya in the future, mauubos ko talaga tong 40 hours niya. Ang problem ko lang is meron din akong 45 hours sa writing at ibang Wikipedia na gagawin. Sana lang kayanin. Yun lang. Sensya na. Bet ko lang mag flex. 😁✌️

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.