Kaibigan, Kumusta ka naman Medyo matagal-tagal din akong dito ay di napadaan Kaya nagulat ako nung mabasa ko ang tanong kung 'Handa na ba ang pamasko nyo?' Dahil 'Hindi pa!' ang sagot ko:) Ilang araw na lang talaga ano Parang kailan lang kakaumpisa lang ng Enero Di man lang natin naenjoy mga fiesta at sa mga arcade ay maglaro Inangkin ni covid lahat, nagtira nga isang buwan na lang Pero mabuti na din ang isang buwan Kaysa buong taon na naman Na mga anak natin ay di man lang makapasyal at makapaglaro sa mga parke at palaruan Makakita at makakilala ng ibang mga bata Pero salamat talaga kay Lord Tayo ay kanyang iniligtas at inilayo Sa banta ng sakit na ito Na sa ilang buwan na lang siguro ay tuluyan ng maglalaho Na tila ba isang masamang panaginip lang ito Kaya ano pang hinihintay nyo Ilista nyo na ang mga bibigyan ng aginaldo Wag mong kalimutang isama ang pangalan ko! Hanggang dito na lang kaibigan Dahil pagod na ang aking katawan Sa maghapong pagtatrabaho na may kasamang kwentuhan Mata ko ay di ko na talaga mapigilan Kaya, o sya ba-bye na! ...^•°... Nga pala, yan ang lasagna at pangarap ko ulit matikman yan sa Pasko Sana may magregalo at magkatotoo🙂
No comments yet